Makikita
sa larawan si Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco habang tinatanggap ang Seal
of Good Housekeeping Silver Grade Award Plaque mula kay DILG Provincial
Director Mr. Lionel Dalope noong Enero 27, 2014 sa Calamba City Hall. Sinaksihan
naman ito nina Vice Mayor Rosseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod at DILG City Director Ms. Lenie Bautista.
Calamba City
tumanggap ng Seal of Good Housekeeping Silver Grade Award
Tinanggap
ni Calamba City Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco ang Seal of Good
Housekeeping Silver Grade Award mula kay Provincial Director Mr. Lionel Dalope
ng Department of Interior and Local Government noong Enero 27, 2014 sa Calamba
City Hall sa okasyon ng flag raising ceremony.
Ang plake ay ipinagkaloob kay Mayor Timmy
Chipeco ni Provincial Director Mr. Lionel Dalope kaharap nina DILG City
Director Ms. Lenie Bautista, City Vice Mayor Rosseller H. Rizal, mga miyembro
ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod. Ito ay may
kasamang cash award na nagkakahalaga ng 3 milyong piso.
Ang award ay natanggap ng Lungsod ng
Calamba dahil sa patuloy na pagpapatupad ng maayos na serbisyo publiko at
pagtalima ng Pamahalaang Panlungsod sa mga alituntunin ng DILG at Civil Service
Commission. Ilan sa mga serbisyong ito ay ang Business One Stop Shop (BOSS),
Modernizing Revenue Enhancement System (MRES), Full Disclosure Bulletin Board,
No Lunch Break Policy at paglalagay ng feedback at evaluation box sa bawat
tanggapan ng City Hall. Ang mga nasabing serbisyo ay bahagi ng Anti- Fixer at
Anti- Red Tape Campaign ng Pamahalaang Panlungsod upang mapangalagaan ang mga
mamamayan. Ilan pa sa mga serbisyo at programa na nakatakdang ipatupad ni Mayor
Timmy Chipeco ay ang “Serbisyo Caravan” sa mga barangay ng lungsod at
paglalagay ng Free Wi-Fi Services sa Calamba City Hall Building. Nakatakda ring
maglagay ng lactating room o area sa City Hall para sa mga nanay na nagpapasuso
sa kanilang anak. Mayroon na ring special lane ang bawat tanggapan para sa mga
Person with Disability at Senior Citizen.
Ayon sa mensahe ni Mayor Timmy Chipeco, hinikayat niya ang mga
kawani ng Pamahalaang Panlungsod na magkaisa at magkatulungan, “help our people
and I will help you, help each other and this award is for all of the employees
of the City Government of Calamba.”
Nauna nang nakatanggap ng Seal of Good
Housekeeping Award mula sa DILG ang Calamba City noong panahon ng panunungkulan
ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr. Patuloy na
nagsisikap ang Pamahalaang Panlungsod na mapadali, mapaayos at epektibong
maipatupad ang mga serbisyo publliko sa mga mamamayan nito. LOUIE LANDICHO/
ccio.blogspot.com
Comments
Post a Comment