Ika- 153 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ni Dr. Jose Rizal, Ipagdiriwang
Buhayani Festival, Sisimulan

Sisimulan ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ang pagdiriwang ng Buhayani Festival, Buhay ng Bayani, Buhay na Bayani, kaugnay ng pagdiriwang ika-153 Taong Anibersaryo ng Kapanganakan ng ating Pambansang Bayaning si Dr. Jose P. Rizal sa Hunyo 19, 2014 sa Lungsod ng Calamba.

Ang kauna- unahang Buhayani Festival ay sisimulan mula Hunyo 12- 19, 2014. Itatampok rito ang iba’t- ibang mga patimpalak at programa na sumasalamin sa buhay at kabayanihan ni Gat. Jose Rizal katulad ng mga sumusunod: Larong Pinoy- June 13-18 (8:00-10:00 am at 3:00-5:00 pm) sa Rizal Shrine, Cultural Shows- June 13-18 (8:00-10:00 am at 3:00-5:00 pm) sa Rizal Shrine, Marching Band Competitions- June 13 (7:00 am) sa The Plaza, Rizal Look-A-Like Contest- June 13 (2:00 pm) sa SM City Calamba, Saranggolahan ni Pepe- June 14 (1:00 pm) sa The Plaza, Calambike ng Pepedals- June 15 (7:00 am) sa The Plaza, Rizal Quiz Bee- June 16 (10:00 am) sa SM City Calamba, Buhayani Short Film Festival- June 17 (9:00 am) sa SM City Calamba. Magsasagawa ng sabayang pag-aalay ng bulaklak sa June 19 (7:00 am) sa 5 Monumento ni Dr. Jose Rizal, na ang pinakatampok ay gaganapin sa monument ng batang Rizal sa Rizal Shrine at Program Proper- June 19 (8:00 am) sa Rizal Shrine. Sa hapon naman ng June 19 ay gaganapin ang Grand Buhayani Festival program na kinabibilangan ng Buhayani Sayawindak Street Dancing Competitions- June 19 (12:00 nn) sa Riverview Resort, Rizal Look-A-Like Biggest Delegations- June 19 (12:00 nn) sa Riverview Resort, Float Parade Competitions- June 19 (12:00 nn) sa Riverview Resort, Live Entertainment Presentation- June 19 (6:00 pm) sa City Plaza. Ang Grand Buhayani Festival ay inaasahang lalahukan ng libu- libong guests at participants mula sa iba’t- ibang panig ng Pilipinas, mga dayuhang turista at balikbayan.

Ayon kay Mayor Timmy Chipeco, ang paglulunsad ng Buhayani Festival na magtatampok sa buhay at kabayanihan ni Gat. Jose Rizal ay inaasahan na magpapabuhay muli ng diwa ng nasyonalismo at patuloy na maging ehemplo si Dr. Jose Rizal para sa ating mga kababayan sa paggawa ng simpleng kabayanihan at pagka- makabayan sa kasalukuyang panahon. Ang layunin rin ng festival ay maipakita ang mayamang kultura, kasaysayan ng lungsod at galing ng mga Calambeňo sa buong bansa at maging sa buong mundo. Inaasahan ang pakikiisa ng lahat ng mga Calambeňo sa mga programang ito at inaanyayahan naman ang ating kababayan saan man sa bansa at mga turista na dumalo sa Buhayani Festival na magaganap sa Calamba City mula sa June 13-19, 2014.
(Mr. Peter Capitan/ Louie Landicho)
(www.facebook.com/calambacityinformationoffice)

Comments