272 Years Founding Anniversary of Calamba

Updated 2 hours ago
Ika- 272 Taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bayan ng Calamba, Ipinagdiwang ng Pamahalaang Panlungsod
Perspektibo ng Calamba City Multipurpose Convention Center, Ipinakita

Kasabay ng pagdiriwang ng ika- 272 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Calamba sa Agosto 28, 2014, ipinakita at binuksan sa publiko nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, 2nd District of Laguna Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr., Vice Mayor Roseller H. Rizal at Sangguniang Panlungsod ang perspektibo ng ipagagawang Calamba City Multipurpose Convention Center na itatayo sa The Plaza sa harapan ng Calamba City Hall Complex.

Ang palatuntunan ay sinimulan sa pamamagitan ng isang banal na misa, matapos nito ay inawit ang pambansang awit at ang pambungad na mensahe mula kay Vice Mayor Roseller H. Rizal. Sinundan ito ng natatanging bilang ng Calamba Bayside National High School Special Program in the Arts. Nagbigay rin ng mensahe at nagbukas ng mga pahina ng kasaysayan ng Calamba si 2nd District of Laguna Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr. Ibinahagi naman ni City Councilor Ruth Mariano Hernandez sa kanyang mensahe ang ipinasang ordinansiya ng Sangguniang Panlungsod upang maging isang subject o modyul sa mga paaralan sa lungsod ang kasaysayan ng Lungsod ng Calamba. Nagbigay rin ng mensahe at ulat sa bayan si Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco.

Sa mensahe ni Mayor Timmy Chipeco, inulat niya ang mga accomplishments ng Pamahalaang Panlungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ayon kay Mayor Timmy Chipeco, 40,000 Calambeños na ang nabigyan ng serbisyo sa ginaganap na Serbisyo Caravan sa iba’t ibang mga barangay ng lungsod, 11,000 Job Fairs na ang naisagawa ng tanggapan ng Information, Investment Promotions & Employment Services Office, paglulunsad ng Barangay Employment Services Office o (B.E.S.O.) sa mga barangay ng lungsod, binigyang prayoridad rin ang mga benepisyo at programa para sa mga Senior Citizens, pamimigay ng mga pedicabs, foodcarts, sewing at livelihood trainings, pamimigay ng puhunan para sa 64 aktibong kooperatiba sa lungsod, pamamahagi ng mga agricultural inputs at tractora sa mga magsasaka at mangingisda, paglulunsad ng bantay lawa task force at solid waste management task force para sa mga programang pang-kapaligiran, binigyang prayoridad rin ang programang pang-kalusugan tulad ng pagkakaroon ng Child Birthing Facility at pagsasaayos ng mga Health Centers, pagpapalakas ng nutrition program para sa mga bata, binigyang pansin rin ang mga infrastructure projects tulad ng mga pagsasaayos ng mga tulay, kalsada, kanal, paaralan, pailaw sa mga lansangan, at ang ipinagagawang Milagrosa- Bucal bypass road, pagsasaayos ng Banga Area sa City Plaza, sa programang pagpapalakas ng turismo ay inilunsad ang kauna- unahang Buhayani Festival, sa larangan naman ng social services, inulat rin ni Mayor Chipeco na nakapagbigay ang Pamahalaang Panlungsod ng financial assistance para sa 13,000 pamilya na naapektuhan ng Bagyong Glenda, inulat rin niya na sa mga darating na panahon ay nalalapit na ang pagbubukas ng CALABARZON Regional Government Center, ang paghahanda ng Pamahalaang Panlungsod upang maging ISO 9001 certified LGU’s at ang pagpapagawa ng Calamba City Multipurpose Convention Center. Binigyan pansin rin sa mensahe ni Mayor Chipeco ang mga benepisyo para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod tulad ng Birthday Treat at gift certificate sa tuwing kanilang Birthday month.

Matapos ang mensahe ni Mayor Timmy Chipeco ay sabayang inawit ang Himno ng Calamba, na sinundan ng pinakatampok na “unveiling of perspective para sa ipagagawang Calamba City Multipurpose Convention Center. Mabuhay ang ika-272 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan ng Calamba!
(Mr. Peter Capitan/ Louie Landicho/J.Cabactulan)
Like us at (www.facebook.com/ccio-iipeso)

Comments