Parole and Probation Administration  R-4A nagsagawa ng Enhancement Training for Volunteer Probation Aides

San Pablo City –  Nagsagawa ng isang araw na seminar  ang tanggapan ng Parole and Probation Administration ng San Pablo City Parole and Probation Office  kaugnay sa pantay na pagkilala ng mga kalalakihan at mga kababaihan. Ito ay dinaluhan mula sa ibat ibang Volunteer Probation Aides mula sa lungsod ng Calamba, Sta. Cruz, Pakil, Sta. Maria, Nagcarlan at San Pablo.

Sinimulan ang nasabing seminar sa isang panalangin sa pangunguna ni Joel Cabactulan at sinundan ng welcome remarks ni San Pablo City Parole and Probation Officer Ms.  Archie B. Gache, Opening remarks ni Calamba City Parole and Probation Officer Ms Editha B. Villanueva at  nagbigay ng mensahe si Regional Director Allan B. Alcala.

Sa unang naging tagapagsalita na si Fiscal Florante D. Gonzales, Asst. Prov’l Prosecutor, Laguna tungkol sa Criminal Cases Affecting Women. Ito ay  ukol sa ibat-ibang batas at karapatan na nakasaad sa ating saligang batas para sa mga lalaki at mga babae na magkakasala at maaring kasong maaring isampa laban sa isa’t isa. Nagkaroon naman ng isang diskusyon pagkatapos.

Nagpapasalamat naman si City Councilor Arnel C. Ticson ng San Pablo sa lahat ng mga dumalo sa seminar dahil sa pagpapakita ng tunay na pagiging volunteerism dahil anya ang mga VPA’s ay silang direktang nakakasalamuha sa kanilang mga pamayanan o lipunan at sila umano ang malimit na nakakausap ng mga tao at nagagampanan ang kanilang mga tungkulin.

Nagkaroon din ng debate ang mga participants tungkol sa isang usaping Sino ang mas matatag? Lalaki o babae?

Comments