Kasalang Bayan, Pamaskong Handog ni Mayor Timmy Chipeco

CALAMBA CITY - Isang daa't labingwalong (118 pair of Couple) pares ng magkasintahan ang napakasal nang libre sa Kasalang Bayan, Pamaskong Handog ni Mayor Justin Marc "Timmy" SB. Chipeco at Sangguniang Panlungsod na ginanap sa Calamba City Hall Main Lobby ngayong araw, Disyembre 12, 2014.

Ang programa ay nagsimula sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ng Bride na nasa 2nd Floor Lobby, na sasalubungin at bibigyan ng wedding folwer ng Groom na nasa Ground Floor Lobby sa saliw ng mga musika ng wedding love songs na inawit naman nina Mr. & Mrs. Ruby San Diego. Ayon kay Wedding Coordinator Mr. Dick Mendoza, ito ang pinaka-romantikong tagpo ng Kasalang Bayan na maaari ring isa sa memorable moment na mag-asawa.

Pinagunahan ni Rev. Pastor Ernie Cerezo ang homiliya para sa mga ikakasal, nagbigay ng mensahe at ilang payo para sa mag-asawa upang makapagsimula ng maayos sa pagpapamilya. Bilang solemnizing officer ng Kasalang Bayan ay nagbigay rin ng kanyang mensahe at pagbati si Mayor Timmy Chipeco para sa mga ikakasal at sa lahat.

Ang Kasalang Bayan ay tradisyunal nang isinasagawa ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba tuwing mga buwan ng Pebrero, Hunyo at Disyembre upang makatulong sa bawat Calambeño na nais makasal nang libre. Maaaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Punong Lungsod at City Civil Registrar para sa mga kaukulang detalye at impormasyon ukol dito.

Bago natapos ang programa ay tumanggap ng pamaskong regalo ang bawat isang couple at may libreng picture rin na nasa picture frame na handog ni Mayor Timmy Chipeco at Congressman Jun Chipeco. Mabuhay ang mga bagong kasal.
(Mr. Peter Capitan/ Louie Landicho/Joel Cabactulan)

Comments