Tinangap ni Ms.Josephine F.Costales(3rd.L-R)ang Plaque of Recognition na mula sa tangapan ng Department of Tourism(DOT) Region-4A.Dahil sa kanilang pangunguna sa Agri-Tourism sa Calabarzon at buong bansa.Kasama sa larawan ang Regional Dir. ng DOT na si Ms.Rebecca Villanueva-Labit.(Kevin Pamatmat)
Muli na naman tumangap ng parangal ang pamunuan ng Costales Nature Farms na ginanap sa bulwagan ng Summit Ridge Hotel lunsod ng Tagaytay Cavite.Sa katatapos lamang na Tourism Summit 2015.
Bilang pagkilala kay Mr.and Mrs.Ronald and Josephine Costales sa kanilang pagbabahagi ng kaalaman,kakayahan, oras,at dedikasyon,sa pagpapa-unlad ng mga bagay-bagay patungkol sa Agri-Tourism.Dahil sila ay naging huwaran sa indutriya ng turismo sa Calabarzon at buong bansa.
Samantalang ang Costales Nature Farms ay itinalaga bilang 1st.Agri-Tourism destination in the Philippines.At kinilala din bilang pagtalima sa RA-9593 na 1st.Department of Tourism -Acredited Agritourism farm sa buong rehiyon.Ito ay matatagpuan sa panulukan ng Barangay Gagalot Majayjay lalawigan ito. (Kevin Pamatmatl)
|
Comments
Post a Comment