Calamba City, - Isinagawa ang Elderly Month celebration sa lungsod ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal at ng Sangguniang Panglunsod. Ito ay dinaluhan ng grupo ng mga senior citizen sa lungsod.
Nagbigay ng history ng Senior Citizens organization sa lungsod ng Calamba si Ms. Dina Amao simula ng ito ay matatag noong 1993 hanggang sa kasalukuyan. Nagpasalamat si Ginang Amao sa pagkakatatag ng Senior Citizen Act 7234 of 1993 dahil nagkaroon ng prebelihiyo ang lahat ng mga senior citizen sa buong bansa katulad umano ng discounts sa pagbili sa mga establisyemento, pamasahe sa mga bus, jeep, barko at eroplano maging sa pagbili ng mga gamut sa mga botika.
Sa mensaheni Mayor Chipeco, binate nito ang mga senior citizen at pinaalalahanan ang mga kawani ng lungsod bilang mga public servant we have to take all the opportunities we have to serve we have to use it. Aniya, ang mabigyan ng opportunity na manungkulan ay isang prebilihiyo na dapat gampanan. “Kung hindi po natin kaya, wala po tayong karapatan umupo dahil inilagay ang bawat nanung kulan sa gobyerno ng taumbayan dahil mayroon itong sinumpaang tungkulin ang bawat empleyado salahat ng mamamayan.”
Sa panunungkulan ni Mayor Chipeco sa Calamba ay halos lahat ng benepisyo ay naibigay na nito sa mga senior citizen katulad ng 3,000 medical assistancet, at kung naospital ang senior citizen ay mas mataas pa ang naibibigay mula sa kanyang tanggapan. Nakapagbigay din ng 8,500 na burial assistance. Ginagawa umano ni Mayor Chipeco ang lahat ng kanyang magagawa sa mga senior citizen dahil aniya “dapat umanong bigyan ng pansin ang mga senior sapagkat kung wala umanoang mga senior ay wala din tayo ditto ngayon.” Hindi umano maging maayos ang ating syudad kung walang tulong ang ating mga senior. “We have to give due respect given to them. We have to tell and show them that they important members of this society dahil sila ay tumutulong sa ating syudad.” Plano umano ni Mayor Chipeco ang magkaroon ng Alternative Learning System para sa mga elderly upang ang mga nagnanais mag aral ay pwedeng mag aral sa pamamagitan ng ALS. JAC/CCIO-Iipeso Calamba
Comments
Post a Comment