BFAR Namahagi ng 10 Fiber Fishing Boat sa mga Mangingisda.



 PAGSANJAN,LAGUNA-May patutunguhan ang ating pondo kung maayos ito ginagamit.Ilan lamang yan sa mga nabanggit ni Sec. Eduardo Gongona ng BFAR harap ng 534 na mga mangingisda. Matapos mamahagi ng pamaskong handog ang tanggapan nito na may temang "Papasko ko,sa Mangingisda ko".
Tumanggap ng halos 10 Fiber Fishing Boat maging 10 motor engine nito ang mga mangingisda mula pa sa lalawigan ito at kalakang Maynila.kabilang ang bayan ng Sta.Cruz,Bay,Biñan Laguna,Parañaque City,Navotas City,at ang lunsod ng Muntilupa.
Namahagi din 200 piraso ng solar lantern lamp,at 22 piraso ng bottom-set gill nets o lambat.Personal din ibinigay ni Sec.Gongona ang Disenyo at tseke na para sa mga Community Fish Landing Center(CFLC) na itatayo sa kanilang mga pantalan na nagkakahalaga ang bawat isang gusali na Php.3,000,000.00.Mapalad ang mga bayan ito tulad ng Mabitac,Bay,Pangil,Sta.Cruz Laguna,mula naman sa Batangas ang Mabini,San Nicholas at ang bayan ng Balete.Sariaya,Agdangan ng Lopez Quezon.
Tumanggap naman ng Php.3,000,000.00 ang Calatagan Batangas na naging Kampeon sa kumpetisyon ng MMK o ang Masagana at Malinis na Karagatan.Dalawang milyon piso naman sa 1st.Runner-up na bayan ng Alabat Quezon.
Ayon kay Sec.Gongona napili ang lalawigan ng laguna upang pagdausan ng programa.Dahil malaki ang naia-ambag nito o tone-toneladang isda sa Fishforks sa buong rehiyon ng Calabarzon.Labis din naman ang kagalakan ni Dr.Lilian C.Brosas BFAR Regional Director IV-A.Dahil sa matagumpay na programa ng kanilang ahensya.(Kevin Pamatmat)

Comments