Calamba
City, - Nakapagtala ng maraming aplikante ang ginawang Job Fair sa lungsod ng
Calamba kahapon May 11, 2017. Ayon sa datus ng IIPESO naakapag tala ng mahigit
halos pitong daang (700) aplikante at may 136 HIRED ON THE SPOTS. Dalawampu’t
pito (27) namang kumpanya ang kasali sa nasabing Job Fair. 24 nito ay sa local
companies at 3 sa overseas.
Ito
ay sa pangunguna ng tanggapan ng IIPESO sa pamumuno ni Mr. Peter C. Capitan.
Ito ay ilalim ng programang Trabaho Sa Bawat Calambeño ni Mayor Timmy Chipeco
para sa mga Calambeño na mabigyan ng disenteng trahabo ang mga mamamayan nito
at mabigyan ng disenteng trabaho ang mga
kababayan nating walang trabaho upang sa ganun ay
maka tulong sa kanilang mga pamilya pinansyal.
Patuloy
ang pasasalamat ni Mr. Capitan sa suporta nila Mayor Chipeco at Vice Mayor Ross
Rizal at Sangguniang Panlungsod sa matagumpay na pagsasagawa ng regular na Job
fair sa City hall. Aniya, bukod sa regular na Job Fair sa City hall ay kasama
rin ang pagkakaroon ng Job Fair sa Serbisyo Caravan. Ito ay isang magandang
oportunidad umano ng mga kababayan nating Calambeño na makahanap ng trabaho at
di na sila mahihirapang pumunta pa sa mga kumpanya dahil dito na mismo sa City
hall ay nagkakaroon na ng regular na Job Fair. Patuloy din na pinapasalamatan
ni Mr. Capitan ang mga kumpanya na patuloy sa pakikiisa sa layunin ni Mayor
Chipeco na mabigyan ng disenteng trabaho ang bawat Calambeño.
Comments
Post a Comment