Disenteng pabahay handog ni Mayor Timmy Chipeco sa mga taga Banlic



Sa katatapos lamang na Serbisyo Caravan na ginanap sa Brgy Banlic noong 27 ng Pebrero, binigyang pag-asa ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga dating nakatira sa danger zone at ibang lugar ng lungsod mga nakatira malapit sa ilog, lansangan, riles at iba pa. Sa pamamagitan ng National Housing Authority (NHA), binigyan ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Timmy Chipeco ang mahigit 500 na pamilya ng sariling bahay at lupa sa Brgy. Banlic kung saan may nakalaang 1,000 pabahay ang ipamimigay sa mga kwalipikadong beneficiaries.

Sa kanyang mensahe sa mga taga Banlic, pinaaalahanan ni Mayor Timmy na dapat ay umiwas sa droga at makiisa sa mga programa ng barangay ang mga residente pa sa ikauunlad ng kanilang kumunidad. Pinakiusapan din nito ang pamunuan ng Meralco upang mas mapadali ang pagkakabit ng kuryente sa ibang bahay na wala pang kuryente. Nangako naman ang representative ng Meralco na gagawin nila ang trabaho alinsunod sa panawagan ni Mayor Chipeco.

Ipinaalala naman ni Mr. Ronaldo M. Dela Cruz, Department Head ng Housing, sa mga nais mag-apply ng pabahay ng gobyerno, dapat i comply ang mga kailangang papeles at ipasa sa kanilang opisina upang magkaroon ng assessment. Kailangan ding mag fill-up ng application form na notaryado, latest family picture, birth certificate ng mag asawa, Income tax return at Employer’s Certificate of Compensation, Affidavit of Income, Marriage Contract, Valid ID ng mag asawa, Birth Certificate ng mga bata(anak ng mag asawa), 2x2 ID ng Household head, Certification from Assessor’s Office (Non-Ownership), Brgy. Clearance at isang long folder.

Para sa karagdagang detalye, magtungo lamang sa opisina ng City Housing Department, Lower Ground Floor, City Hall Bldg., at magtanong tungkol sa proyektong  pabahay ng lungsod.  (Joel Cabactulan)


Comments

Post a Comment