Libreng Skills training at trabaho mula sa TVET – TESDA at PESO


Image may contain: 8 people, people smiling, people standing, screen and indoor

Bilang suporta  ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, ginanap sa SM Calamba noong 28 Pebrero ang Technical Vocational Education and Training (TVET) Enrollment Day, Jobs Bridging and Job Fair sa pangunguna ng Provincial PESO, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pakikipagtulungan ng Information, Investments Promotion and Employment Services Office (IIPESO) at pamunuan ng SM.

Image may contain: 7 people, people smiling, people standing

Ayon naman kay TESDA Regional Director Ms. Nenuca “Mitzy” Tangonan, layon ng programana mabigyan ng libreng short-term skills training ang mga kabataan maging ang mga walang trabaho kaakibat ng K-12 Program. Katulong ng TESDA ang may 24 na TechVoc Schools at unibersidad sa Calamba sa pagpapatupad ng programang ito.
Image may contain: 9 people, people smiling, people standing and indoor 
Ayon kay Ms. Noemi Talatala, pinuno ng IIPESO, lubos ang suporta ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco sa mga employment programs ng lungsod. Patunay aniya ang pag-oorganisa ng Calamba Employment and Human Resource Development Council (CEHRDC) na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa private sector at academe na kasamang bumabalangkas ng mga programa para sa patuloy na paglago ng komersiyo sa Calamba. Sa pamamagitan ng CEHRDC, nagkaroon ng kasunduan ang mga paaralan at mga kumpanya para sa mga Work Immersion Students.

Dumating din upang maghatid ng pagbati si Board Member Ruth Mariano-Hernandez. Pinasalamatan niya ang mga kumpanyang kalahok sa Job Fair sa kanilang patuloy na suporta sa ating lalawigan at inengganyo ang mga aplikante na magsumikap sa kanilang mga karunungan sa pamamagitan ng mga libreng skills training na ipinagkakaloob ng gobyerno.  (Joel Cabactulan)

Comments