Ni:Kevin Pamatmat
LAGUNA-Sariwang hangin at malamig na tubig ang iyong mararanasan, malalanghap at matitikman. Ito ay mula sa paanan ng bundok na dumadaloy mula Banahaw at sa gitna ng ilang ng Barangay Ilayang Sungi ng bayan ito. Magmula sa poblacion ng bayan hangan Bukal ng Liliw ay maglalakbay kayo ng halos siyam na kilometro. Ayon ito kay Brgy. Chairman Mario Cortez.Maglalakad naman mula kay Lolo Kap. Strawberry Farm patungo sa Bukal. Ay aabutin naman kayo ng humigit kumulang kalahating oras na may layong tatlong kilometro. Napakainam naman pagmasdan ang mga gulay sa tabing daan na tila ba sila sayo ay kumakaway. Tulad ito ng sayote, mustasa, kamatis, labanos, ampalaya, petsay baguio, repolyo, at marami pang iba. Maari ka din mamili dito ng gulay habang kayo ay naglalakbay. Mararanasan ninyo dito ang kakaibang foot spa. Dahil habang kayo ay naliligo at nakababad ang inyong mga paa.Ay may mga lalapit sa inyo na napakaliit na hipon na tila ba kayo ay sumasailalim sa isang foot spa.Ang Bukal na ito ay pinagkukunan din ng inumin tubig ng mamamayan ng barangay. Nagsisilbi din itong pangdilig ng mga halaman lalo na tuwing sumasapit ang tag-araw. Sa panayam kay Chairman Mario Cortez ay nais nilang paunlarin ang turismo sa kanilang barangay maging sa kanilang bayan.Kinakailangan lamang nila suporta at ang tulong ng pamahalaan lokal upang maisaayos ang mga daan patungong Bukal ng Liliw.Dahil kailangan linisin ang mga daraan ng mga dumarayong turista sa kanilang barangay. Ang pagtungo sa Bukal na ito ay maihahalin-tulad o nagsisilbing hamon sa buhay ng isang katauhan.Sapagkat susuungin mo ang madawag na kagubatan.Subalit kapag nalampasan mo ang mga ito. Ay tiyak na tagumpay ang iyong makakamtam. Malaya ka din makaka-pagtampisaw sa lilim ng haring araw.Kasama ng iyong mga kaibigan at mahal sa buhay. Habang nadarama mo ang lamig na dulot ng kalikasan.(Kevin Pamatmat)
Comments
Post a Comment