Calamba City, - Nagsagawa ang COMELEC Calamba sa pakikipagtulungan ng PNP ng isang Peace Covenant Signing at Briefing na tinaguriang SAFE( Secure And Fair Election) upang mabigyan ng mga alituntunin sa panahon ng kampanyahan ngayong darating na May 14, 2018.
Tinatayang umabot sa 2,100 kandidato sa barangay at SK ang dumalo sa nasabing covenant signing. Ayon kay Atty. Joan Atienza, COMELEC Officer ng Calamba, bawal ang mga tarpaulin na lalagpas sa 2x3 ang sukat. Nagtalaga din ng mga tukoy na lugar kung saan pwedeng magsabit ng mga tarpaulin. Dapat din magpapaalam sa mga may-ari ng bahay kung maglalagay ng mga tarpaulin sa kanilang bahay. Binalaan nito na babaklasin ang anumang uri ng tarpaulin na lalabag sa panuntunan ng COMELEC. Binalaan din nito ang mga tumatakbong kandidato na huwag mamili ng boto dahil ito ay mahigpit na ipinag bawal sa ating batas. Mahigpit ding ipinagbawal ang pagdadala ng baril dahil umiiral sa buong bansa ang gun ban, kasabay ang liquor ban at bawal ang pagkakaroon ng mga personal bodyguards.
Pinaalalahanan nito na ang Barangay Election ay non-partisan dahil wala naman itong partido. Ayon din kay Atty. Atienza, ang kampanyahan ay hanggang May 12 lamang at bawal nang mangampanya mula hatinggabi ng May 12 hanggang sa araw ng botohan.
Bawal din ang mga watcher na lumapit sa mga botante sa loob ng presinto maging sa mga election officers. Ipinagbabawal din ang pag kuha ng litrato o pag selfie sa mga balota.
Pinaalalahanan din ng COMELEC na dalawang balota ang ibibigay sa mga presinto itim para sa Barangay at pula naman ay para sa Sangguniang Kabataan(SK).
Nangako naman ang Calamba Police na magbabantay upang mapanatili ang kaayusan ng eleksyon sa lungsod simula sa kampanyahan hanggang sa matapos ang botohan sa 54 barangay na mayroong 1,620 presinto.
Nagkaroon naman ng Open forum kung saan nakapag tanong ang mga kandidato sa COMELEC. (Joel Cabactulan)
Comments
Post a Comment