CONCERT FOR A CAUSE PARA SA MGA INMATE SA LUNSOD NG SAN PABLO, MATAGUMPAY




LAGUNA-Pinatunayan ng mga nagkaka-isang mga kristyano ang pagsasagawa,at pag-suporta sa katatapos lamang sa matagumpay na "Concert for a Cause". Unli love, Unli Worship na isinagawa sa bulwagan ng Centaral School sa lunsod na ito noong 11, November 2018.
Sinimulan ni Ptr. Buboi Gracela ang concert sa saliw ng kanyang mga nilikhang awitin na sinundan naman ni Bishop Carding Sio. Nagbiga din ng kasiyahan sa lahat ang mga awitin ni Ptr. Freddie Leneses mula sa Heaven's Culture band.


Dinaluhan ang concert ng humigit kumulang 50 Churches na mula pa sa  Laguna, Batangas at Quezon na umabot ang bilang sa higit 1,300 mga mananampalataya ang napuspos ng kabutihan ng ating Panginoon.
Ayon kay Pastor Nilo Buiser ng Jail Outreach for Yeshua (JOY) ang konsyertong ito ay para sa mga inmates na nakapiit partikular sa mga matagal ng nakakulong dahil wala sa kanilang tumutulong upang maayos ang kanilang mga kaso katulad na lang ng inmate na naka kulong dahil lamang sa pagnanakaw ng niyog. Nananatili silang nakapiit dahil walang kumakalinga sa kanila. Subalit sa pagkakataong ito ay may umusbong na grupo ng mga lingkod ng Diyos upang hanguin ang mga kapatid natin mula sa sadlak ng matagal na bangungot.

Dagdag pa ni Ptr. Nilo ay higit 40 mga inmates ang nakalaya na at natulungan ng kanilang proyekto at madadagdagan pa dahil sa matagumpay na Concert for a cause na pinagtulungan maisakatuparan ng Convergence Bless the City of San Pablo. (Kevin Pamatmat)

Comments