LAGUNA-Pangunahing programa ng 1st. Provincial Mobile Force Company at ng 3rd.Maneuver Platoon sa pangunguna ni Platoon leader PCI. Noel Valdez.at sa tulong ng kanilang CO. PSupt Elmer Bao ang paglingkuran ang mga batang mag-aaral sa pamamagitan ng serbisyong "Libreng Gupit para batang malinis".
Ayon kay CInsp.Valdez pinaglalaanan nila ng atensyon ang mga batang musmos na kanilang mabigayan ng tulong. Lalo na ang mga nasa liblib na lugar dahil ang iba sa kanila ay walang kakayahang magbayad para sa pag-pagupit ng buhok. Kung kaya't katuwang ang magigiting na kapulisan sa programang ito lalo na ang mga miyembro nila na may talento sa paggu-gupit ng buhok na siyang maglilingkod sa bawat barangay sa buong lalawigan ng Laguna. Isinagawa sila ito sa Atisan Elementary School ang libreng gupit para sa mga batang mag-aaral sa Barangay Bautista, San. Pablo City.
Hatid ito ng Police Community Relation ng 1st. LPMFC. Layunin nito na mapalapit ang kalooban ng mga tao na nasa liblib na lugar sa mga kapulisan at maibalik ang magandang imahe ang tiwala sa hanay nila at upang maging maayos, maganda ang relasyon at komunikasyon ng komunidad sa kapulisan tungo sa tahimik at ligtas na pamayanan.(Kevin Pamatmat/Roy Tomandao)
Comments
Post a Comment