STA.CRUZ,LAGUNA-Umabot sa kabatiran ng inyong lingkod na may isang lalaki na sa kabila ng kanyang kapansanan.Habang putol ang kanan nitong tuhod ay nagagawa pa niyang tumanim ng palay. Kung kaya't agad ko itong ipinahanap ng halos apat na buwan.At inalam kung saan ito nakatira at din kailan ito magtatanim ng palay.Upang personal ko din itong masaksihan sa napakahirap niyang ginagawa. Samantalang likas umano sa binatilyong ito ang maging matiyaga,masipag sa kaniyang buhay.Upang mairaos lamang ang kumakalam nilang mga sikmura. Siya si Bernie Bayto 21 anyos binata nakatira sa Barangay Malinaw Sta.Cruz,Laguna.Ayon sa aking panayam siya ay 14 anyos pa lamang noon ng maputulan ng kanan niyang hita.Makaraang mahulog siya mula sa taas ng punong mangga. At dahil salat sila sa hirap ay hindi nila agad naipa-gamot ang namamaga niyang hita.Kung kaya't nauwi ito upang putulin at ng hindi na maapektuhan ang ibang bahagi ng kanyang katawan. Sa paglipas ng panahon ay minarapat niyang maghanapbuhay sa pamamagitan ng Pagtatanim ng Palay.Hindi biro ang trabahong ito sapagkat maghapon kan na nakayuko at kailangan mong gamitin ang iyong mga paa at kamay habang tumatanim. Subalit para kay Bernie ay kailangan niya itong gawin para makatulong din siya sa kanilang magulang,kapatid.At para din makaipon ito ng pera upang magamit din niya para sa kanyang sarili. Sa ngayon ay nanawagan si Bernie sa lahat ng mga nais tumulong sa kanya.Na mabigyan sana siya ng pangangailangan niya upang makalakad ng normal tulad ng iba. Isang patunay na hindi hadlang ang kapansanan sa isang nilalang.Bagkus kailangan natin sumabay sa agos ng buhay.Upang marating natin ang dulo ng tagumpay.(Kevin Pamatmat)
Comments
Post a Comment