FORMER SAP BONG GO; MALASAKIT CENTER MASISILAYAN NA SA LALAWIGAN NG LAGUNA


Dumalo sa pagdirwang ng ika-100 taong pagkakatatag ng bayan ng Rizal Laguna.Si former Special Assistant to the President SAP Bong Go at Former Board Member of  3rd.District of Laguna. Angelica Jones Alarva.Kasama sa larawan si Mayor Antonino Aurelio ng Rizal Laguna.(Kevin Pamatmat)


RIZAL, LAGUNA-Isinusulong ngayon ni former SAP Bong Go ang kapakanan ng mga magsasaka.Matapos dumalo ito sa pagtitipon sa Culmination ng Centennial Year ng Rizal, Laguna.Kung saan nagbigay pugay din ito sa kabayanihan ni Gat. Jose Rizal.

Ayon kay kuya Bong Go kailangan may pondo ang gobyerno na ilalaan para sa pension ng mga magsasakang hindi na makapagtrabaho dahil sa kanilang katandaan.Sinabi rin nito na isusulong niya ang pagtatayo ng mga TienDA Malasakit Stores sa iba't ibang bahagi ng bansa.Kung saan direktang makapagbenta ng mga produkto ang mga magsasaka.

Dagdag pa niya na makapagbigay ito ng Capability-Enhancing Program para sa mga magsasaka at scholarship program para sa kanilang mga anak.Nais din umanong isulong nito ang pagbibigay ng machinery, fertilizers,seeds,irrigation,at low-interest credit sa mga ito.

Ibabalik din nito ang dignidad ng mga magsasaka at bibigyan niya ng prayoridad ang sektor ng pagsasaka.Upang mahikayat ang ating mga kabataan sa pagtatanim ng halaman,gulay at palay.

Ibinida rin nito ang kanyang 12-point legislative agenda.Kung saan kabilang ang pagsasa-ayos ng medical services sa bansa sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga Malasakit Center na isang one-stop shop kung saan pinag-isa na ang lahat ng mga medical assistance ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Kabilang ang DSWD, PCSO at DOH. Inihayag din nito ang kanyang suporta para sa mga senior citizens, education at sports program ng bansa.
  
Sa panayam kay former SAP Bong Go ay maaari ng masilayan ang malasakit Center sa lalawigan ng Laguna.Sa mga susunod na ilang buwan sa ating mga lunsod at bayan.(Kevin Pamatmat)

Comments