Magbubukas ang 70 sangay ng Social Security System (SSS) sa Marso 30, 2019 upang tumanggap ng aplikasyon sa Loan Restructuring Program (LRP) with penalty condonation dahil sa nalalapit nitong deadline sa Abril 1.
“Inaasahan na namin ang pagdagsa ng member-borrowers sa huling linggo ng aplikasyon para sa LRP kaya’t napag-desisyunan ng SSS Management na magbukas ang 70 sangay sa Sabado, Marso 30, upang tumanggap ng mga aplikasyon mula sa mga miyembrong gustong mapakinabangan ang programa,” sabi ni SSS Officer-in-Charge Aurora C. Ignacio.
Iniaalok ang LRP with penalty condonation sa mga member-borrowers na mayroong hindi pa nababayarang utang tulad ng calamity loan, salary loan, emergency loan, educational loan (old), Study-Now-Pay-Later-Plan, Voch-Tech Loans, Y2K Loans, at Investment Incentive Loan. Sa ilalim ng programang ito, tatanggalin ang multa matapos na mabayaran sa naaprubahang termino ang loan principal at interes.
Bukas sa nasabing araw ang 29 sangay ng SSS sa National Capital Region (NCR) upang tumanggap ng aplikasyon sa LRP. Kabilang dito ang Cubao, Diliman, Kalookan, Novaliches, San Francisco del Monte, Valenzuela-Dalandanan, Fairview, Navotas, Malabon, Antipolo, New Panaderos, Marikina, Pasig-Pioneer, San Juan, San Mateo, Cainta, Tanay, Binondo, Legarda, Pasay-Roxas, Pasay-Taft, Welcome, Manila, Alabang, Makati-Gil Puyat, Makati-JP Rizal, Taguig, Alabang-Zapote, at Paranaque-Sucat.
Samantala, bukas naman ang 15 sangay sa Luzon: Baguio, Cauayan, San Carlos, Olongapo, Dau, Bacoor, Binan, Calamba, Lucena, Batangas, Lemery, Lipa, Puerto Princesa, Legazpi, at Naga.
Magbubukas sa Marso 30 at tatanggap din ng aplikasyon sa LRP ang siyam na sangay sa Visayas kabilang ang Cebu, Lapu-lapu, Mandaue, Tagbilaran, Tacloban, Bacolod, Dumaguete, Iloilo Central, at Kalibo.
Kasama rin sa mga magbubukas at tatanggap ng aplikasyon sa Sabado ang sumusunod na 17 na sangay at service offices sa Mindanao: Cagayan de Oro, Robinsons-Cagayan de Oro, Butuan, Robinsons-Butuan, Robinsons-Iligan, Davao, Davao Ilustre, Felcris Centrale, Toril, Robinsons-Tagum, NCCC Tagum, General Santos, Robinsons-General Santos, Koronadal, Zamboanga, Pagadian, at Dipolog.
Pinaalalang muli ni Ignacio sa mga member-borrowers na iwasan ang pagpa-file sa huling araw upang maiwasan ang abala.
“Mayroon na lamang ilang araw ang ating mga miyembro upang mabayaran ang kanilang mga utang kung saan maaalis ang multa sa pamamagitan ng loan restructuring program. Isa itong oportunidad para sa aming mga member-borrowers na mabayaran ang kanilang utang upang maiwasan ang abala kapag sila ay mag-aaply na para sa kanilang final benefits tulad ng retirement at death benefits.” (SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT )
Comments
Post a Comment