Ika-26 ng Enero 2020, bilang paggunita sa unang taong anibersaryo ng paglulunsad ng “Battle for Manila Bay”, nakiisa ang higit sa isang daang empleyado ng DENR IV-A (CALABARZON). Ito ay sa pangunguna ng Pangrehiyong Director Tagapagpaganap Gilbert C. Gonzales, Kawaksing Pangrehiyong Director sa Serbisyong Pamamahala at Teknikal na sina Nelson V. Gorospe at Arturo E. Fadriquela. Ang aktibidad ay ginanap sa Baseco Compound, Tondo, Manila.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng paglilinis sa baybayin ng Baseco, higit kumulang sa 20,000 ang nagboluntaryo mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, paaralan, pribadong kumpanya, Non-Government Organizations (NGOs), at iba pa.
Matatandaan na inilunsad ang Manila Bay Rehabilitation Program (MBRP) noong nakaraang taon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa labintatlong ahensya ng gobyerno na i-rehabilitate ang baybayin ng Maynila. Mayroong tatlong rehiyon ang sumasakop sa nasabing lawa, ang National Capital Region (NCR), Gitnang Bahagi ng Luzon o ang Region III, at ang Region 4A o CALABARZON.
Patuloy pa rin ang mga hakbangin at programa ng mga miyembro ng Mandamus Agencies upang maibalik ang sigla at kalinisan ng nasabing lawa. Ang DENR CALABARZON ay lalong pinaiigting ang programa at proyekto sa rehiyon patungkol sa adhikain ng MBRP. (ANN HAZEL D. JAVIER)
Comments
Post a Comment