Mga Filipino sa Dubai nag bayanihan para makatulong sa mga biktima ng Taal Volcano, 15 cargo company nagbigay ng donasyong libre padala

Sama samang nagbayanihan ang mga Filipino sa Dubai at Northern Emirates upang makalikom ng mga donasyong ipapadala sa bansa sa mga biktima ng Taal Volcano. Naroon din si Labor Attache Felicitas Bay para i assist ang mga grupo. 

Kasama ang nasa 15 cargo company ang nagbigay ng libreng air cargo. Ito ay  umabot mahigit kumulang 600 kilos ang agarang maipapadala sa bansa kasama rito ang BM Express, Top Express, LBC Express, Cargo Net, Al Qadi Tourism, Frico, Umac, GP Cargo, SBC Express, Go Universal, Pep, CMG, StarPinoy at Pinas Cargo.  

Pasado alas 8 ng umaga ng tumanggap ng mga tulong at bumuhos ang maraming damit, sabon, mask, blanket at de lata na halos mapuno ang loob ng Polo Dubai. 

Ayon kay Phil Consul General Paul Raymund Cortes buhay na  buhay ang ginawang bayanihan ng mga Filipino sa Dubai para tulungan ang mga naging biktima ng pagsabog ng Taal Volcano. Laking pasasalamat nya sa mga nagmalasakit na Filipino sa pag tulong at pagbibigay ng mga donasyon.   (Arlene Pingol Mariposque)


Comments