"Ayaw kong pumasok sa pulitika" - Nancy Dimaranan, Pandemic Hero ng Calamba

Calamba, Laguna - Ito ang paulit-ulit na pahayag ng binansagang Pandemic hero ng Calamba Nancy Ignacio Dimaranan sa katatapos lamang na press conference na ginanap kanina sa Brgy Real, Calamba City. Pinasalamatan nito ang lahat ng myembro ng Media na dumalo sa presscon. Ayon kay Dimaranan, “Maraming tao ang nag tatanong sa akin kung papalaot ba ako sa pulitika? Ang sagot ko po ay hindi – Ayaw ko pong pumasok sa pulitika Ni katiting ay di pumasok sa isip ko na pumasok sa pulitika” Mas gugustuhin niya umanong tumulong sa lahat ng kaya niyang pag tulong sa abot ng kanyang makakaya. At sinabi nito ang pagttayo niya ng kanyang Pandemic Hero Foundation Inc at malapit nang lumabas ang SEC registration. Ayon sa kanyang pahayag “Gustong kong makatulong hindi lamang sa mga taga Calamba kundi sa buong bansa at maging sa mga kababayan nating OFW.” Ipinunto nito na ang pag tulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa pagiging public servant o isang pulitiko bagkos ay sa bukas at buong puso na pag tulong na walang anumang kapalit. Ang planong proyekto nito sa ilalim ng kanyang Foundation ang makapag patayo ng isang shelter para sa mga senior citizen na wala nang nag arugang pamilya, mga myembro ng LGBTQ at mga batang nasa kalye nakatira. Ikinuwento din ni Dimaranan ang kanyang naging buhay mula noong siya ay bata pa lamang na nag tiitnda ng balut at kung anu-ano upang maitawid ang kanilang pang araw-araw na kakainin kasama ang kanyang mga kapatid. Inihambing nito ang kanyang buhay na mas mahirap pa sa isang daga, kung kaya ay ibinabalik nito ang tulong sa mga tao ang kanyang natamasang kaginhawaan sa buhay. Inamin din nito ang pagiging trans gender woman. (Ronda Balita)

Comments