Cayetano, naghatid ng donasyon sa Muslim leaders ng Taguig

 


Namahagi si dating House Speaker Alan Peter Cayetano ng food pack at mga donasyon sa mga Muslim leader at mga pamilyang Muslim sa kanyang distrito sa Taguig noong Huwebes ng hapon, Mayo 13. Nakipagdiwang si Cayetano sa kanyang distrito ng Eid’l Fitr sa Maharlika Elementary School sa Taguig. Kabuuang 100 Muslim leaders at humigit-kumulang 9,000 pamilya ang nakatanggap ng handog ni Cayetano na Box of Love at City Family Kits na may lamang mga food pack at hygiene kit. Kasama ni Cayetano sina Taguig 2nd District Rep. Lani Cayetano, Taguig Mayor Lino Cayetano, at Vice Mayor Ricardo Cruz Jr. sa taunang paggunitang ito na pinangungunahan ng lokal na pamahalaan ng Taguig para sa mga kapatid nating Muslim. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Cayetano ang pamumuno ng mga Muslim administrator sa pagtataguyod ng paniniwalang Islam sa gitna ng epektong idinulot ng pandemya. “Nagpapasalamat ako sa mga Muslim administrators natin sa Taguig, mga imam, bilal, at ulama, pati na rin sa aking mga kapatid sa pananampalataya. Alam kong napakahirap ng buhay natin ngayon dulot ng pandemya, pero nakatayo pa rin tayo. Ang ating sama-samang lakas ay galing lamang sa biyaya ng Maykapal,” ani Cayetano.

Comments