Mainit na pagtanggap kay Director Nilo B. Tamoria sa kanyang pagbalik bilang Regional Executive Director ng DENR CALABARZON
Symbolic turnover of
leadership
Left to Right: OIC
Chief, Administrative Division Anita Rocero, Assistant Regional Director for
Technical Services Alfredo C. Palencia, DENR CALABARZON RED Nilo B. Tamoria,
witnessed by Undersecretary Juan Miguel T. Cuna (inset photo) |
Calamba City, Laguna – Pormal na tinanggap ng bagong DENR CALABARZON Regional Executive Director (RED) Nilo B, Tamoria ang kanyang katungkulan ngayong 10 Mayo 2021 sa DENR CALABARZON Regional Office sa Brgy. Mayapa, Calamba City.
Si RED Tamoria ay may hawak na Engineering degree mula sa Lyceum of the Philippines. Siya rin ay Conferred Honorary Alumnus ng College of the Forestry and Natural Resources Alumni Association of the University of the Philippines - Los Baños. Siya ay Career Executive Officer III at naging RED ng Region XII at NCR. Siya rin ay nagsilbi bilang Deputy Head ng Task Force Sagip Kalikasan at Director for Special Concerns. Bago siya muling naging RED ng CALABARZON, si Director Tamoria ang Executive Director ng Environmental Protection and Enforcement Task Force (EPETF).
"Dala dala ko po ang aking dagdag na eksperyensya sa lahat ng aking dinaanan, magmula noong panandalian kong iwan ang Region 4A. Napakarami at napakayaman pong mga karanasan sa usapin ng pagpapalakad at pamumuno sa ating ahensya sa sa iba’t ibang kapasidad.” Ani RED Tamoria.
Ang karanasan ni RED Tamoria sa larangan ng Enforcement ay mariin ding binanggit at pinahalagahan ni Assistant Regional Director for Technical Services Alfredo C. Palencia sa kanyang talumpati, “We are looking forward to your value addition in our Enforcement strategies. We look forward to a strategic strengthening of our skills in this area. We also recognize your experience in community organizing and stakeholder engagement as well. Looking forward din po kami diyan.”
Si RED Tamoria ay nauna nang itinalagang RED ng CALABARZON mula 2008 hanggang 2011. Siya ay muling itinalaga bilang RED alinsunod sa DENR Special Order No. 2021-223 na pinirmahan ni Secretary Roy A. Cimatu noong May 3, 2021.
“I commit to organize, manage, and utilize all our resources as we navigate the new normal. I aim for the improvement not only of our services, but most importantly, of our workforce.” Dagdag pa ni RED Tamoria.
Pinarating din ni DENR Undersecretary for Field Operations and Environment Juan Miguel Cuna, ang kanyang buong suporta sa pamumuno ni Director Tamoria at sa buong DENR CALABARZON.
Comments
Post a Comment