Mga miyembro ng 4Ps at mga boluntaryong magulang nagtulong-tulong sa pagsasaayos ng proyekto na "Gulayan sa Paaralan"

 


Sa pangunguna ni Gng. Lolita Guansing, GPP Coordinator ng Tiyani Elementary School, nagtulong-tulong ngayong araw ang ilan sa mga miyembro ng 4Ps at boluntaryong magulang sa pagsasaayos ng "Gulayan sa Paaralan" na isinagawa sa Tiyani Elementary School, Brgy Sucol, Calamba City, Laguna. Sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Edukasyon, nasa gitna man ng pandemya ay tuloy-tuloy ang programang "Gulayan sa Paaralan" ng Department of Agriculture na ang layunin ay upang magkaroon ng interes ang mga mag-aaral sa pagtatanim ng mga organikong gulay. Buo naman ang suporta ng mga guro at mga magulang ng Tiyani Elementary School sa nasabing programa para sa ikaaayos ng gulayan upang magkaroon ng ligtas at sapat na pagkain na maaaring anihin ngayong panahon ng pandemya. # (Ana Marie Demerin)

Comments