LOT DONATION PARA SA DTI PINASINAYAAN

 


San Pablo City-Malaking katagumpayan sa Department of Trade and Industry(DTI) ang ginawang turn over ng lote na ipinagkaloob ni Mayor Loreto S Amantena tinaggap ni Provincial Director Clarke Nebrao at saksi ang  Regional Director  Marilou Q Toledo na dinaluhan ni DTI Secretary Ramon Lopez noong Ika- 2 ng Marso ,2022


Ang ground breaking ay dinaluhan ng ibat- ibang sector kabilang na ang Philippine Chamber of Commerse Regional Governor Romeo Race na nagpahayag ng kanyang suporta sa mga programa ng DTI, at Laguna Director Reymundo De Leon.

Pasasalamat ang hatid ni Mayor Amante kay Sec Mon Lopez dahil ang PCCI at LGU ng San Pablo ay matagal nang pinangarap ang magkaroon ng Regional at Provincial office na ngaun ay maisasakatuparan na dahil sa 6.5 sgm meter na ipinagkaloob ni Mayor 


Gagawin ko ang lahat upang mabilis na maayos ang mga insfractacture tuladng TP4 na kapag natapos na ay tiyak na.mapapabilis ang kalakalan sa ating bayan ani Mayor amben .

Ang pagkakaroon ng DTI office sa Lunsod ng San Pablo ay malaking tulong sa mga negosyante MSMe na hindi na lalayo pa at ito at tanda ng pagsulong at patuloy paglago ng mga mangangalakal sa tulong ng DTI.

Madamdamin ang pasasalamat ni RD Malou sa mga naging bahagi ng nasabing kaganapan. Dahil ang ground breaking ay symbolic manifestation of support mula sa ama ng lunsod at ang 3.5M estimated na halaga ng lote na ipinaglaloob sa DTI ay magandang panimula. Nais din na ipaalam sa publiko na madali na ma axcess ang DTI sa lahat ng kanilang kailangan tulong .


Nagpasalamat naman si Sec Ramon Lopez sa generosity ng pamunuan si Mayor Loreto Amante.

Tulad nya ang kailangan ng bayan Ang nais ng Pangulo Rudy Duterte ay dynamic leader may vission objective upang ma re open ang economy para sa livelihood sa kabila ng dinanas ng lahat na pandemya .(Lynn Domingo)

Comments