Hinikayat ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang publiko na itulak ang mga kandidato sa pagkapanguo na sumali sa mga debate dahil isa ito sa mga paraan para makapili sila nang kanilang iboboto sa May elections.
“Ako ang advice ko lang sa tao, demand full transparency and demand tuloy-tuloy na mga debate,” wika ni Cayetano.
Ayon sa dating Speaker, mahalang malaman ang posisyon ng mga kandidato sa mga isyu bago pa man ang halalan nang sa gayon ay hindi sila mabigla sa mga gagawin ng mga ito kung mahalal sila.
“In the end it will be the demand of the people (that will make the candidates attend the debates)… That’s why ang proposal ko paulit-ulit, tanggalin ang mga balakid,” paliwanag niya.
Sinabi ni Cayetano na kung mayroong mga kandidatong naniniwalang "biased" ang debate, maaaring sila na lang ang mag-set ng guidelines.
“Kung sinasabi ng iba’t ibang kampo biased kasi si ganito, biased si ganyan, so bakit hindi instead of (media) networks at saka Comelec ang gumawa ng rules, ang pagawan natin ng rules ang representatives nung mga kandidato,” aniya.
Ipinaliwanag ni Cayetano na nasa kamay ng publiko ang nasabing isyu. “’Di naman natin madidiktahan ang mga tao,” wika niya. #####
Comments
Post a Comment