San Pablo City- Binasbasan ni Rev. Msgr. Jerry V. Bitoon ang pitong (7) karagdagang service vehicle na ipinamahagi ni Mayor Loreto S. Amante sa isang barangay at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ginanap na Pagtataas ng Watawat nuong June 13, 2022. Ang dalawang (2) ambulansya ay tinanggap ng mga opisyal ng Brgy. VII-B at mga kawani ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO). Samantalang ang limang (5) service vehicles naman ay tinanggap ng mga opisyal at kawani ng PNP San Pablo sa pangunguna ni PLtCol Garry Alegre, Chief of Police; City Budget Officer Arthur Almario; School Division Superintendent , Dr. Daisy Z. Miranda at Asst. SDS Buddy Jester Repia para sa Department of Education Tech- Voc Laboratory at PDEA Provincal Officer Mark Bejemino.
Ang mga nasabing sasakyan ay kaloob ng lokal na pamahalaan upang maging maayos at mapabilis ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa mga mamayan, mga nangangailangan ng tulong at mabilis na pagtugon sa oras ng sakuna o anumang emergencies.
Nuong March 8, 2022 ay may nauna ng 36 ambulance units ang naipamahagi ni Mayor Loreto Amante sa barangays II-E, III-C, III-A, Bagong Bayan, San Crispin, Sta Veronica, San Bartolome, Soledad, II-C, Santiago 1, Dolores, San Lucas 2, San Marcos, San Mateo, Sta Cruz, BagongPook, VII-A, Santiago 2, II-A, II-B, Concepcion, VII-C, San Buenaventura, San Lucas 1, Sta. Felomina, San Cristobal, V-D, San Antonio II, Sta. Isabel, VII-E, V-B, IV-C, IV-A, I-A, III-E at San Ignacio. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment