KARAGDAGANG DRUG CLEARED BARANGAYS NG LUNSOD NG SAN PABLO GINAWARAN NG CERTIFICATION AT CASH INCENTIVES
San Pablo City- Sa ginanap na Pagtataas ng Watawat nuong June 13, 2022 ay ginawaran nina Mayor Loreto S. Amante at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Provincial Officer Mark Bejemino ang 4 na karagdagang Drug-Cleared Barangays ng Lunsod ng San Pablo ng “Certificate and Resolution of Drug-Cleared Barangay”. Ang mga Barangays Atisan, San Lucas 1, San Mateo at V-A ay ginawaran ng sertipiko at resolusyon kung saan nakasaad na naisagawa sa 4 na barangays ang barangay-drug clearing operation at sila ay nag-comply at pumasa sa parameters ng Dangerous Drugs Board. Nakiisa rin sa programa sina DILG Officer Ma. Alma Barrientos, PLtCol Garry Alegre, COP, SPC-PNP at Councilor Nap Calatraba.
Kaugnay nito ay nagkaloob rin si Mayor Loreto Amante ng cash incentives sa 4 na barangay. Tinanggap nina Barangay Chairmen Renato M. Guevarra ng Atisan, Rommel E. Cordano ng San Lucas 1, Rodelo C. Arceo ng San Mateo ang P200k at ni Ryan L. Magyawe ng V-A ang P100k na tseke. Ang nasabing cash incentives ay ilalaan sa iba’t-ibang proyekto sa drug prevention and monitoring ng mga nasabing barangay.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng 24 barangays ang idineklarang Drug Cleared mula nuong sinimulan ang deliberasyon ng mga barangay nuong June 2018. Nauna nang naideklarang drug cleared ang mga Barangay nina Punong Barangay Salvador Gamara ng II-D, Romnick Manalo ng II-E, Jocelyn Avanzado ng III-A, Arnulfo Alvaran ng III-F, Merlita Amante ng IV-A, Ronald de Gala ng IV-B, Susan Briones ng V-B, Noel Enriquez ng V-C, John Alilio ng V-D, Gernar Avinante ng VI-B, Ernesto Carreon ng VI-C, Jenalyn Mendoza ng VI-D, Teodolfo Marasigan ng VII-C, Gerry T. Co at Konsehal Carmela Acebedo ng VII-D, Ronelio Mendoza ng VII-E, Lamberto Herrera ng Bautista, Jasmin Alcantara ng San Isidro, Ronaldo Flores ng San Lorenzo, Trecesito Deogracias ng San Roque at Teresa Gonzales ng Soledad. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment