San Pablo City- Sa pamumuno at pag-apruba ni Mayor Loreto S. Amante ay naglunsad ang Pamahalaaang Lokal ng Lunsod ng San Pablo sa pangunguna ng City Population and Nutrition Office ng sariling bersyon ng “enhanced nutribun” nuong June 13, 2022 sa programa ng Pagtataas ng Watawat.
Sa pangunguna ni Mayor Loreto
Amante at ni City Population Officer Mylene Ty ay namahagi ng mga enhanced
nutribun sa ilang mga buntis na taga-lunsod. Ayon kay City Population Officer
Ty ang nutribun ay may sangkap na malunggay, kamote, kalabasa, patatas, saging,
itlog at gatas kaya’t ito ay nagtataglay ng maraming nutrients at vitamin A.
Ang enhanced nutribun ay isa ng “complete meal” na maaaring kainin ng kahit sino lalo’t higit ang mga buntis at nagpapasusong nanay. Ito ay pagtugon at pagsuporta ni Mayor Amante sa programa ng RA 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay Act upang gawing malusog ang mga bata sanggol mula sa pagbubuntis ng Nanay hanggang makarating sila sa ikadalawang taon o yung tinatawag na First 100 Days. At sa tulong na rin ng enhanced nutribun ay inaasahan na mas mababawasan pa ang bilang ng mga malnourished children at mga bansot na bata sa lunsod.
Lubos naman ang pasasalamat ng buong tanggapan ng City Population kay Congressman-elect Loreto S. Amante sa pakikiisa upang mailunsad sa kanyang termino bilang punonglunsod ang “San Pablo City’s Enhanced Nutribun”. (CIO-SPC)
Comments
Post a Comment