Arkong bato sa Pagsanjan Laguna pinasinayaan


Pinasinayaan ang Arkong bato o kilala din bilang Puerta Real Pagsanjan na itinayo ng mga Pagsanjeño noong 1878-1880 sa pamumuno nina Padre Cipriano Bac at Padre Miguel de la Fuente. Ito ay yari sa adobe at apog, bilang pasasalamat sa Nuestra Senora de Guadalupe.


Nagsisilbing arko sa bukana ng Calle Real patungong bayan ng Pagsanjan na isa sa iilang natitirang arko na ginawa sa panahon ng mga espanyol. Isinaayos noong 1972-1975 at 2014-2015. 

Naging panauhing pandangal 2 sina Senator Cynthia Villar, Vice Governor Atty. Karen Agapay ng Laguna at Pagsanjan Mayor Cesar Areza at dumalo rin si dating Congressman Benjie Agarao sa naturang aktibidad kasama ang mga opisyales ng bayan.

Sa mensahe ni Mayor Cesar Areza, humihingi siya ng tulong mula sa national government upang magkaroon na ng by-pass road upang hindi na madadaanan ng mga sasakyan ang Calle Real patungo sa plaza dahil gagawing heritage site ang nasabing lugar. “Kasama sa plano ang lugar na ito na gawing food hub at papalitan ng bricks ang kalsada at ang magiging pangunahing transportasyon lamang na babagtas sa kahabaan nito ay mga kalesa lamang”. wika ni Mayor Areza.


Inilahad din ni Mayor Areza ang mga naka ambang proyekto sa bayan ng Pagsanjan kasama na ang pagpapayabong sa turismo at sigurado umanong maraming trabaho ang malilikhat at mabigyan ng trabaho ang lahat ng Pagsanjeño. (Joel Cabactulan)

Photo by:Jeremiah Madrigal

Comments