Matapos maipost sa social media ang larawan na kumakain sa lapag ang mga estudyante agad nagpaliwanag ang Principal ng Naga Central School II hinggil dito.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Principal Juliet Curva, sinabing napakainit sa classroom tuwing tanghali lalo na panahon ng Habagat kaya pinipili ng ilang mga estudyante na kumain sa labas , sa lapag ng corridor.
Ayon kasi sa uploader:
"Tama ba ganito sistema ng skul? Lunch break ng mga student papakainin sa labas ng room.
Na imbis pakainin niyo sa loob ng room hahayaan niyo lang sa labas.
Sana maawa naman tayo sa mga bata na dapat sa loob ng room pakainin para komportable naman..Noong panahon namin hindi ganito ang sistema ng Naga Central II ? Bat ngayon iba na? Natitiis niyo ba yan? Kawawa naman sa daan kumakain."
Ayon pa sa punong guro sana ay kinausap siya sa naobserbahan.
(JR Narit)
Comments
Post a Comment