Limang araw na pag-sasanay ng Community Support Program - Counter Urban Area Operation (CSP-CUAO) , matagumpay na naisagawa
Los Baños, Laguna – Matagumpay na naisagawa ang limang araw na pagsasanay sa may limangpu’t apat (54) bilang ng mga kapulisan na lumahok na ginanap sa Himpilan ng Laguna Police Provincial Office , Camp Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna sa pangunguna ng Task Force Ugnay na pinamumunuan ni Lieutenant Colonel Rommel M Agpaoa na siya ding tumatayong Command Officer ng CMO Battalion.
Ang pagsasanay ay isinagawa mula Ika- 6 hanggang ika- 10 ng Setyembre taong kasalukuyan. Sa panimula ng nasabing pagsasanay ay dinaluhan ni Colonel Erwin A Alea, Deputy Brigade Commander, 202nd Brigade at iba pang kinatawan ng Pambansang Pulisya mula sa Laguna. Matapos ang pagbubukas ay nagbigay ng mensahe ang Commander ng Task Force Ugnay na si Lieutenant Colonel Agpaoa, ukol sa mga “Best Practices” sa White Area Operations na may kaugnayan sa isinasagawang pagsasanay.
Sa mga sumunod na araw ay nagsagawa ng mga pag-aaral ukol sa mga bagay na dapat gawin sa mga sitwasyon na kinakaharap kung mayroong mga mangyayari sa Urban Areas, kung papaano makakatulong sa pagtupad ng misyon sa lugar. Kkasama din sa mga tinalakay ang mga batas ukol sa paggawa sa pangunguna ng kinatawan ng DOLE at Kagawaran ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD). Sa huling araw ng pagsasanay ay isinagawa ang closing program na dinaluhan ng pinuno ng 202nd Brigade sa katauhan ni Brigadier General Cerilo Balaoro, Police Colonel Randy Glenn Silvio, Officer in Charge , Laguna PPO at Mr Guido Recio, Provincial Director DOLE Laguna.
Ang isinagawang pagsasanay ay makatutulong upang maging produktibo ang mga kapulisan at kasundaluhan sa pag ganap sa kanilang tungkulin, pagtupad ng kanilang mga misyon at makatulong sa komunidad.
Ang ganitong mga pagsasanay na patuloy na ginagawa ng ating mga men in uniform particular ang task force ugnay ay isang hakbang patungo sa matatag at hindi matitinag na Kawal ng lipunan at Pambansang Pulisya ano man ang ipukol o maging taktita ng kalaban.(Lynn Domingo)
Comments
Post a Comment