Inilunsad ni Quezon Governor Doktora Helen Tan ang ENHANCED NUTRIBUN SUPPLEMENTATION PROGRAM, INILUNSAD SA QUEZON
Pinangunahan ni Quezon Gov. Doktora Helen Tan ang paglulunsad ng Enhanced Nutribun Supplementation Program sa lalawigan ng Quezon na ginanap sa Queen Margarette Hotel, Lucena City
Sa
resulta umano ng Expanded National Nutrition Survey noong 2019 ng DOST-FNRI para sa probinsya ng Quezon, napag-alaman na tatlo sa bawat 10 (32.2%) na mga batang may edad na mas mababa sa 5 ay bansot o Wala sa tamang timbang o ika ngay malnutrition.
Marami aniya sa mga bata ang kulang sa timbang habang ang iba naman ay anemic, ipinapakita rin umano ng nasabing survey ang dinaranas na food insecurity ng maraming sambahayan sa buong lalawigan.
Kaya't ikinabahala ng Gobernadora ang ganitong numero at estado ng nutrisyon sa buong proisnya.
Kaya naman nagsagawa ang Pprovincial Government ng pagpupulong upang maipagpatuloy at mapagtuunan ng pansin ang enhanced nutribun para sa mga kababayan.
Paliwanag ni Gov Tan na ang enhanced nutribun ay siksik sa sustansya sapagkat pangunahing sangkap nito ang kalabasa at karots, at mayroon din itong 500 k/cal at higit sa lahat mayaman din ito sa macro at micronutrients na magbibigay ng nutrisyon sa mga batang undernourished.
Dagdag pa ng Gobernadora na ito ang nakikita niyang Tamang Aksyon na makatutulong hindi lamang sa nutrisyon kundi sa kabuuang kalagayan ng probinsya.
Samantala, sa pagbisita ni Governor Doktora Helen Tan sa Claro M. Recto District Hospital sa Infanta Quezon inihayag nito libre sa lahat ng gastusin ang mga tao nasa estsdo ng category D & E na mahihirap na mga pasyente sa bawat hospital lalo na sa mga indigenous people.
Lagi ring ipinaalala ng Gobernadora sa lahat ng mga empleyado ng hospital laging magalang at bawal masungit sa mga inaasikasong pasyente.
Maglalagay na rin ng ICU ang Claro M. Recto na personal na tiningnan ni Governor ang pasilidad ng nasabing ospital. (JR Narit)
Comments
Post a Comment