MPT SOUTH REACTIVATES SMSK FOR UNDAS 2022

 


Nakahanda na ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), sa inaasahang pagdagsa ng motorista sa darating na Undas ngayong bukas na muli ang mga sementeryo makalipas ang dalawang taon.  

Dahil dito, paiigtingin ng toll road operator ang motorist assistance para sa mga bibiyahe ngayong Undas at muli nitong ilulunsad ang "Safe Trip Mo, Sagot Ko" (SMSK) program sa mga high-speed road networks nito na Cavite-Laguna Expressway (CALAX), at para sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) at CAVITEX C5 Link, katuwang ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority na kinatawan ng operating subsidiary nito na PEA Tollway Corporation (PEATC). 

“Sa muling pagbubukas ng mga sementeryo makalipas ang dalawang taon, inaasahan naming aabot sa halos 10% ang itataas ng bilang ng mga sasakyan na dadaan sa aming mga expressways ngayong Undas, simula Oktubre 28 hanggang ika-2 ng Nobyembre”, ani Mr. Raul L. Ignacio, President and General Manager ng MPT South. Bilang tulong sa mga motorista, mula 6AM ng Oktubre 28 hanggang 6AM ng Nobyembre 2, 2022, libre ang towing services para sa mga masisiraang Class 1 na mga sasakyan sa expressway papunta sa pinakamalapit na exit. Bukod pa sa 24/7 monitoring ng toll operator gamit ang mga CCTV cameras nito, magdedeploy rin ng karagdagang traffic operations personnel sa toll plaza at personnel on ground para masiguro ang maayos na daloy ng mga sasakyan. 24/7 rin ang RFID installation at reloading sa CAVITEX Customer Service Centers (Cavite at Manila bound), at magbubukas ng karagdagang cash lanes para sa mga cash-paying motorists na walang RFID. 

Naka high alert status din ang emergency medical service, incident response team, at towing services para sa mas mabilis na pagresponde sa motorista. Ang mga Facebook accounts ng toll road operator (fb.com/cavitexpressway at fb.com/OfficialCALAX) at Twitter accounts (@CaviteXpressway and @OfficialCALAX) maging ang hotline 1-35000 ay naka standby din 24/7 para tumanggap ng anumang concerns mula sa mga motorista. Katuwang rin nito ang all-in-one MPT DriveHub app ng MPTC sa SMSK program sa pagbibigay ng 24/7 traffic updates at easy access sa RFID transactions, reloading, trip planning, at maging paghingi ng emergency roadside assistance. 

"Maliban sa mas pinaigting naming operasyon para sa pagtataguyod ng road safety ngayong long weekend para sa Undas 2022, amin ring pinaaalalahanan ang mga motorista na suriin ang BLOWBAGETS bago bumiyahe- Batttery, Lights, Oil. Brakes, Air, Gas, Engine, Tire, at Self. Hinihikayat din naming ang aming mga motorista na gamitin ang MPT DriveHub app para sumubaybay sa kondisyon ng trapiko sa expressway at makapag top-up ng kanilang load para sa mas mabilis na biyahe," dagdag pa ni Mr. Ignacio.

Bukod sa CALAX at CAVITEX, kabilang sa domestic portfolio ng MPTC ang concessions para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at ang Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.

Comments