PNR TREN SA QUEZON PAPUNTANG BICOL, TULOY NA!

 


 


Aarangkada na ang byahe ng PNR Tren mula Lucena City hanggang Bicol Region kapag natapos na ang pagsasaayos nito matapos magpulong ang mga kinatawan ng opisyal ng DOTR kasama sina PNR Director Henry Uri at Vice Governor Third Alcala bilang representasyon ni Governor Doktora Helen Tan kasama ang ilang opisyal ng DOTr (Departmen of Transportation), China Railway Development Corp. at pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Provincial Administrator Manny Butardo ang pagpupulong kaugnay sa PNR South Long-Haul Project.

Sa pamamagitan ng paglagda ng DOTr at China Rail Consortium noong nakaraang administrasyong Duterte kung saan tinatayang nagkakahalagang P141.79 bilyon ang halaga ng proyekto bilang bahagi ng "Build Build Build" counterpiece program.

Ayon sa pangkabuuang ideya ng proyekto, ang  South Long-Haul Project (SLHP) ay may saklaw na 380.38 kms (kilometro) na binubuo ng 22 istasyon ng tren. Ang priority section ng Phase 1 alignment ay sumasaklaw sa 52.60 kms. na kinabibilangan ng San Pablo, Candelaria, Lucena, at Pagbilao.

Ang nasabing proyekto ay magsisimula sa Banlic, Laguna hanggang Daraga, Albay. Ang mga bayan sa Laguna na dadaanan nito ay ang Banlic, Bucal, Los Banos, at San Pablo City: Candelaria, Lucena City, Pagbilao, Agdangan, Gumaca, Lopez, Calauag, at Tagkawayan sa lalawigan ng Quezon at ang mga bayan ng Ragay, Lupi, Sipocot, Libmanan, Naga, Pili, Iriga, Polangui, Guinobatan at Daraga sa rehiyon naman ng Bicol.

Ibinahagi din ni PNR Director Heny Uri na contract signing na lamang ang hinihintay sa pagitan ni Pangulong Bongbong Marcos at ng China.

Sa oras na maging matagumpay ang nasabing  proyekto, aabot sa 120-160 kilometer bawat oras ang bilis ng takbo na tinatayang mahigit tatlong oras lamang ang lalakbayin mula Manila hanggang Daraga kumpara sa dating 10 oras ang itinatagal. (JR Narit)


Comments