SSS, nagsagawa ng Pensioners’ Day sa Laguna

 


Calamba, Laguna – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-65 na Anibersaryo ng SSS, isinagawa ang taunang Pensioners’ Day sa SSS Calamba Branch noong Setyembre 21, 2022 para magpasalamat at maghatid ng saya sa humigit-kumulang na 200 retiree-pensioners.

Iba't-ibang aktibidad ang inihanda ng SSS gaya ng pagbibigay ng libreng eye check-up, gamot, at lecture tungkol sa health and wellness. Ang mga pensioners ay aktibong sumali at naghandog ng kanilang sayaw at awitin bilang intermission number sa naturang programa.

Tinalakay din ang tungkol sa Pension Loan Program (PLP) kung saan makakautang sila ng hanggang P 200,000.00 base sa halaga ng kanilang buwanang pensyon. Para magqualify ang isang pensyonado, dapat siya ay mayroong My.SSS account; 85 taong gulang pababa sa huling buwan ng termino ng loan; walang kaltas sa monthly pension o existing advance pension sa ilalim ng SSS Calamity Loan Assistance Package at “Active” ang status ng kanyang monthly pension. Maaari na ring mag-apply online kahit mga first-time PLP loan borrowers. Dahil dito, mas mabilis na ang pag-apruba ng kanilang aplikasyon. Gayundin ang pagkuha ng proceeds ng kanilang Pension Loan na maaari nang mawithdraw sa pamamagitan ng kanilang bank account na nakaenroll sa Disbursement Account Enrolment Module (DAEM) na makikita sa kanilang My.SSS account.

Comments