Handog Binhi Caravan ng AGRI Party-list, umarangkada sa Bay, Laguna

 


Sa pangunguna ng AGRI Party-list at pakikiisa ng lokal na pamahalaan ng Bay, Laguna, namahagi ngayong araw (Nob. 15) ng mga binhi ng palay para sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyong Paeng. 

Ayon sa mensahe ni AGRI Party-list Rep. Wilbert T. Lee na binasa ng kanyang Chief-of-Staff na si Ernanie Calica, ang nasabing mga binhi ay makatutulong din sa pagsisimula ng planting season. 

“Sa pamamagitan nga po ng munting handog na ito ng AGRI Party-list, hangad po ni Cong. Lee na makatulong ang mga binhing ito sa inyo, lalo na’t isa po kayo sa mga hinagupit ng bagyong Paeng, at makaagapay sa inyo sa pagsisimula ng planting season,” wika ni Calica.

“Ang nakakalungkot nga po, umabot na sa mahigit anim na bilyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng bagyong Paeng sa sektor ng agrikultura. Talagang nakakapanlumo po ito, lalo pa’t katumbas ito ng libo-libong mga magsasaka na nasalanta ang mga pananim. Sa tuwing may kalamidad na lang po, talagang hindi na mawawala ang inyong pangamba na baka masayang ang inyong pinaghirapan,” saad ng mambabatas. 

Bukod sa distribusyon ng mga binhi ng palay, ibinahagi din ni Lee ang mga isinusulong na panukalang ng AGRI Party-list para masiguro ang kita at protektahan ang kabuhayan ng mga magsasaka. 

“Itinutulak po natin ang Essential Crop Insurance Act para mabigyan ng kompensasyon ang nasirang mga pananim sa panahon ng sakuna,” saad niya. 

“Nananawagan din tayo para sa dagdag na post-harvest facilities upang maayos na maihatid ang inyong mga ani sa merkado at sa consumers. Itinutulak din natin na magkaroon ng Kadiwa centers sa bawat lungsod at munisipalidad para mas mabilis ninyong maibebenta ang inyong mga produkto,” dagdag pa ng Kongresista. 

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Lee kina Mayor Jose O. Padrid ng Bay Laguna, Vice Mayor John Paul C. Villegas, ABC Chairman Angelito De Mesa, Koinsehal Cesar Comia, Team Mandirigma - ng Bay Laguna, Municipal Agriculturist Alexander Darvin, mga Presidente ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka at AGRI Party-list leaders sa bayan ng Bay, sa pangunguna ni Ginang Ligaya Tolentino Sanchez, at sa lahat nakiisa sa matagumpay na pagdaraos ng programa. ###

Comments