Sen. Imee, Namahagi ng 20-M ayuda sa Batangas at Laguna

 


Namahagi ng maagang pamaskong regalo si Senadora Imee R. Marcos sa pamamagitan ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development at nutribuns sa 6-libong residente na napektuhan ng bagyong Paeng sa Batangas at Laguna ngayong Huwebes, Nov. 24.

Sa pamamagitan ng kanyang inisyatiba, tumanggap ng tig-3 libong piso ang bawat isang benepisyaryo ng DSWD-Assistance to Individuals in Crisis Situation(AICS) sa San Juan, Malvar at Tanauan, sa Batangas. Gayundin sa Sta. Rosa city, Biñan at San Pedro, Laguna.

Sa kabuuan, umabot sa 20-milyong piso ang ipinamigay na ayuda ni Senadora Marcos sa mga benepisyaryo sa Batangas at Laguna.

Dinagdagan ni Marcos ng 2-milyong piso ang AICS sa San Pedro kung saan malaki ang boto noong eleksyon ni Pang. Bongbong Marcos.

“Para mabilis ang dating ng tulong sa mga sinalanta ng pinakahuling bagyo at pandimonyong Covid-19 direkta na nating iniaabot sa tao ang mga ayuda,” diin ni Marcos.

Bukod sa distribusyon ng ayuda, inilunsad din ni Marcos ang nutribun feeding program sa Sta. Rosa city, Biñan at San Pedro, Laguna na 3- libong kabataan at mga buntis ang nakinabang.

Ayon kay Marcos, papakainin ng nutribun ang mga kabataan at buntis sa loob ng 120 araw at imomonitor ang kanilang kalusugan para hindi maging bansot at lumiit utak ng mga sanggol dulot ng malnutrisyon.

“Yung mga baby natin at mga buntis, kailangan mapakain ng masustansyang nutribun, arroz caldo at iba pa para lumakas ang kanilang resistensya ,” ayon kay Marcos.

Ang nutribun feeding program ay binuhay ni Marcos na unang pinasimulan ng kanyang mga magulang na sina dating Pang. Ferdinand Marcos, Sr. at former First Lady Imelda Marcos noong dekada 70 para labanan ang malnutrisyon.

Sinabi pa ni Marcos na bahagi ng kita mula sa box-office hit na pelikulang “Maid in Malacanang” ang inisyal na pondong ginagastos sa produksyon ng nutribuns mula sa Ilocos Norte.

Nauna rito, nagkaroon ng launching ng nutribun feeding program sa mga kabataan at mga buntis sa Ilocos Norte; Tanay, Rizal; Cebu, Cavite at Davao City.

Comments