Umabot sa 50 couples ang nabigyan ng pagkakataon ng lokal na pamahalaan ng Montalban na makasali sa kasalang bayan ng libre at walang gastos na ginanap nitong ika-14 ng Pebrero.
Ang mga nakiisa sa nasabing programa ay nakipag-ugnayan sa tanggapan ng Municipal Values Formation Office sa 2nd Floor ng Municipal Hall at personal silang nagtungo upang maisumite ang kanilang mga kaulang dokumento.
Ilan sa mga naipasa na mga dokumento ay mga photocopy ng Birth o Baptismal Certificate, Cenomar, Barangay Certification for Cohabitation, Joint Affidavit of Cohabitation, Residence Certificate o Cedula at 2x2 pictures.
Pinaalalahanan din nito ang mga lalahok sa naturang aktibidad ay siguraduhing nagsasama ng 5 o higit pang taon ang pares, may edad na 25 taong gulang pataas, at may anak na 5 taong gulang pataas.
Paalala sa mga magpapasa ng requirements na hanggang ika-31 lamang ng Enero ang submission nito upang makasali sa kasalang bayan. | via News Source: PIA Rizal / Municipal Values Formation Rodriguez (RBP Team)
MGA KA-RONDA!
Please Like, Share and Follow our Facebook Page #rondabalitapilipinas
Comments
Post a Comment