2 TONELADANG KAPE, NAIPAG BILI SA CABUYAO LAGUNA


Aabot sa higit 2 toneladang kape ang naipagbili ng Casile farmers sa Cabuyao, Laguna matapos na maani at maproseso ang ipinagmamalaking lokal na kape. 

Batay sa ilang coffee farmers, mas marami ang naani ngayong kape kumpara noong nakaraang taon, na matatandaang naapektuhan bunsod ng Bagyong Paeng.

Ikinalugod naman ito Department of Agriculture RFO 4-A at lokal na pamahalaan ng Cabuyao. 


“Tuluy-tuloy lamang po ang ating programa para sa pagpapalakas ng coffee industry dito sa Lungsod ng Cabuyao. Tandaan: Basta masarap na kape, punta na sa Casile!” ayon sa post ng Cabuyao Agriculture Office.

Via News Source: Verna Malaluan (ABN)

MGA KA-RONDA!

Please Like, Share and Follow our Facebook Page #rondabalitapilipinas

Comments