SEN. GO NAGPASALAMAT KAY SEN. ROBIN SA PAGHAIN NG RESO SA PAGSUPORTA KAY DATING PANGULONG DUTERTE VS ICC INVESTIGATION
Nagpasalamat si Senador Christopher Bong Go kay Senador Robin Padilla sa paghain ng Senate Resolution na naglalayon ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) ukol sa extrajudicial killings o paglabag sa karapatang patao sa isinagawang drug war ng Duterte administration.
Nagpasalamat at nagpahayag ng suporta si Senador Go sa resolusyon na inihian ni Senador Padilla kahapon sa senado.
Bukod sa pagpapasalamat at supprta nais rin ni Go na maging Co-author ng Senate Resolution 488 na inihain ni Padilla
Ayon sa mambabatas,bilang senador ngayon at naging parte rin ng nakaraang administrasyon, ginawa lang ng dating Pangulong Duterte ang sinumpaang tungkulin para sa kaligtasan ng mga Pilipino at kinabukasan ng mga kabataan.
Muling iginiit ni Go na may sariling soberenya ang Pilipinas na dapat ang nakakaraming Filipino at hindi ang korte ng banyaga ang humusga sa naging resulta ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Kapwa Pilipino na aniya ang humusga kung ligtas ba ang mga kababaihan at mga kabataan noon na maglakad sa dis oras ng gabi na hindi nababastos at hindi nasasaktan .
Sa naturang resolusyon ni Padilla iginiit ng senador na ang Pilipinas ay may gumagana at independent na judicial system.
Pinunto rin ng senador ang unang naging pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na 'insulto' at hindi katanggap tanggap ang pag iimbestiga ng ICC sa mga diumano'y crimes against humanity sa Pilipinas.
Nakasaad rin sa resolusyon ni Padilla na bumuti na ang peace and order situation sa ating bansa dahil sa ikinasang kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kontra ilegal na droga , rebelyon, terorismo, katiwalian at kriminalidad.
Via News Source: Celestino 'Jojo' Sicat (DZRJ)
MGA KA-RONDA!
Please Like, Share and Follow our Facebook Page #RondaBalitaPilipinas #rondabalitapilipinas

Comments
Post a Comment