May potensyal na papel ng Philippine Aerospace Development Corporation (PADC) sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang nakita ni Senador Alan Peter Cayetano, chairman ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises, sa pagdinig ukol sa mga panukalang batas na naglalayong palawigin ang corporate life ng PADC ng 50 taon.
Ayon sa independent senator, puwedeng maglaan ang bansa ng pondo para sa kumpanya upang makapag-develop ng mas maraming innovation sa paggawa at pag-maintain ng mga eroplano.
"We’re spending hundreds of billions sa modernization ng AFP (Armed Forces of the Philippines) and we’re asking if South Korea or Australia or US allies can transfer their technology to us. E baka nandyan lang (sa PADC),” sabi niya.
Kasabay nito, sinabi ni Cayetano na titingnan ng komite kung paano madagdagan ang pondo na maibibigay sa korporasyon sa susunod na limang taon.
“It is not enough that we have you, but we have to equip you. Para nga ‘yung objectives niyo, gulatin niyo na lang kami na na-achieve niyo ang ibang goals na iniisip ng iba na ibang lifetime,” aniya.
"Ako personally I’d like you to have more funds so maybe I’ll direct our committee that when we’re making the committee report, we’ll have a small technical working group with DBM (Department of Budget and Management) and find out how we can put some funds for the next five years dyan,” dagdag niya.
Idinagdag ni Cayetano na ang panukalang palawigin ang korporasyon ng aerospace firm ay “approved in principle."
“We approved the proposal for the extension (of PADC) in principle, subject lang to the comments of other agencies and to the move of the committee to find more funding for you,“ wika niya.
Itinatag ang PADC noong 1973 ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na may layuning makamit ang self-reliance, pambansang seguridad, at transfer ng teknolohiya sa industriya ng aerospace at aviation.
Ang kasalukuyang corporate life ng PADC ay magtatapos sa September 5, 2023, subalit may ilang panukalang batas sa Senado na naglalayong palawigin ito ng 50 taon.
Ayon sa PADC, sa 50 taon nito ay nakapagdevelop sila ng mga prototype ng eroplano at nakapagtayo ng facility para sa pag-maintain at repair ng mga makina ng eroplano na ginagamit ng Philippine Air Force.
Bilang "assignment" kay Raymond Mitra, ang acting president at chief operating officer ng PADC, sinabi ni Cayetano na gusto ng komite na makita kung ano ang kayang gawin ng kumpanya.
“If we give you fifty or a hundred million a year for the next five years, give us a hint of what we will get,” wika niya.
Sinabi rin niya na puwedeng gamitin ng PADC ng malaking bilang ng mga Pilipinong scientist na makakatulong sa pag-unlad ng bansa imbes na magtrabaho sa ibang bansa.
“If you have to hire the right people. There are a lot of Filipino scientists na nag-aabroad because walang chance. Pero kung nandyan kayo at may pang-hire kayo sa kanila, baka naman y’ung imbensyon na y’un imbes na mapunta sa malalaking bansa e sa Pilipinas na lang,” he said.###
Comments
Post a Comment