Nagsagawa ng Press Conference si Mayor Ross Rizal para sa Nalalapit na Calambagong Buhayani Festival

 







Nagsagawa ng Press Conference si Mayor Roseller H. Rizal upang ipahayag sa hanay ng mga mamahayag ang nalalapit na pagdiriwang ng Calambagong Buhayani Festival 2023 kahapon, ika-8 ng Hunyo 2023.

Binati niya ang lahat ng media na dumalo sa okasyon. Sa kanyang mensahe, pinaniniwalaan niya na ang mga personalidad sa media, maging sa tradisyonal na print at brodkast, o sa bago at digital na media, ang tunay na mga nagbubuklod sa mundo. Sinabi niya, " MEDIA PERSONALITIES, whether from traditional print and broadcast, or the new digital media, are the true shakers of the world. May kakayahan kayong payanigin ang mundo, gamit ang inyong talino, salita, at lalung-lalo na ang inyong matibay na pagkakaisa." Pahayag ni Mayor Rizal.

Dagdag pa niya, " Kaya naman malaki po ang aking paghanga at pasasalamat sa mga katulad ninyo, dahil bahagi po kayo ng katagumpayan ng ating adhikain noon na magkaroon ng BOSES ang PAGBABAGO dito po sa lungsod ng Calamba. As we begin the most-awaited Festival in our city, we are going a step farther as we are partnering with all of you. As we improved the festival from its name to Calambagong Buhayani Festival 2023, we are also pulling the activities to a higher level. Mula sa usual na kompetisyon na nakasanayan na natin sa iba’t ibang larangan, minabuti nating hasain din ang galing, talino, at kakayahan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng trainings and seminars na hahasa sa kanilang mga talent at kapasidad. " Ani Rizal.

Malugod na inaanyayahan ni Mayor Ross Rizal ng tulong mula sa mga media upang magkaroon ng maayos na plataporma para sa Calambagong Buhayani Festival at mas kilalanin hindi lamang sa bansa, kundi maging sa buong mundo.

Ayon kay Calamba City Cultural Affairs, Tourism, and Sports Development Department OIC Maolen Karla Boholano, ipinagdiriwang ng CalamBagong Buhayani Festival hindi lamang ang buhay ni Jose Rizal kundi pati na rin ang mga natatanging kontribusyon ng mga makabagong Calambeño.

Ilan sa mga aktibidad na dapat abangan ay ang Kusinang Kalambenyo, Calambagong Bayani Awarding, mga seminar tungkol sa buhay ni Rizal, Street Dance Showdown, Bangkarera, Fashion Designers Night, Isang Gabi ng Kulturang Calambeño Cultural Night, Blessing at Inauguration ng Jose Rizal Coliseum, Festival Grand Parade, Street Dance Competition, Land Float Competition, at marami pang iba. (Joel Cabactulan)


Comments