PFPA: Planong pagkuha ng DOH ng mga nursing graduate na hindi board passer, walang problema

 


Matagal nang ginagawa sa mga pribadong ospital ang pagha-hire ng mga nursing graduate na hindi nakapasa sa board exam para maging nursing assistant.
Ito ang sagot ni Dr. Benito Atienza, ang Vice President ng Philippine Federation of Professional Associations (PFPA) sa Laging Handa public briefing.
Ginawa ng doktor ang pahayag sa harap ng plano ng Department of Health (DOH) na i-hire ang mga hindi board passer na mga nursing graduate upang mapunan ang kakulangan ngayon ng nars sa bansa at iba pang health workers.
Ayon kay Dr. Atienza, ang ginagawa ngayon ng mga pribadong ospital sa mga nursing assistant nila tinutulungan nila makapasa sa board exam para ganap nang maging nars.
Pero kung ang gagawin aniya ng DOH ay tanggapin ang mga ito at gawing regular nurse, kailangan aniya itong pag-usapan nang mabuti.

Comments