JOSE RIZAL COLISEUM SA CALAMBA, PINASINAYAAN NA KASABAY NG STATE OF THE CITY ADDRESS NI MAYOR ROSELLER H. RIZAL
Opisyal nang binuksan sa publiko ang Jose Rizal Coliseum noong ika-21 ng Hulyo, 2023.
Kasabay ng pagbubukas ng Jose Rizal Coliseum ay ginanap din ang unang State of the City Address ni Mayor Rizal. Sa naturang pagtitipon, inihayag niya ang mga proyekto at tagumpay na naabot ng pamahalaang lungsod sa loob ng kanyang isang taong panunungkulan.
Pinangunahan ang seremonya nina Mayor Roseller Rizal, Vice Mayor Angelito Lazaro, Calamba City Lone District Rep. Charisse Anne Alcantara, at ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Sinimulan ito sa pamamagitan ng cutting of ribbon at pagbabasbas sa loob ng coliseum na may mga convention hall at meeting room sa loob ng coliseum na pwedeng gamitin para sa iba't ibang aktibidad.
Sa kanyang State Of the City Address, inilahad nito ang mga proyektong natupad na at mga planong higit ang mga Calambeño ang panalo.
Ayon kay Mayor Rizal, "This building is a testament of our commitment and longing for good governance. Sa ilalim ng ramdam na reporma, tinapos po natin sa lalong madaling panahon ang Jose Rizal Coliseum. Hindi para sa kung ano mang karangalan, kung hindi para sa kapakinabangan ng ating bayan. Sa bawat Calambeño po ang karangalang ito". wika ni Rizal.
Aniya, "Gagawin po ng ating pamahalaan ang lahat para mapangalagaan ang pag-asa ng ating bayan-ang kabataan. Alam ko po na katuwang natin ang Sanguniang Panglungsod para maisakatuparan ang ordinansang magpapatibay dito at nangakong "Magtiwala po kayo na mayroon kayong pamahalaan na nakasandig sa mahusay at inaral na mga plano". saad ni Rizal. (Joel Cabactulan)
📸JP Garcia
Comments
Post a Comment