𝐃𝐒𝐖𝐃, 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 π“π”π‹πŽππ† 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππˆππ€π‡π€ 𝐀𝐓 ππ€π€ππ„πŠπ“π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π”ππŽπ† 𝐒𝐀 𝐍𝐂𝐑

 

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tulong sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbahang dulot ng habagat pati na ng mga insidente ng sunog kamakailan.


Ayon sa DSWD, pinoproseso na ngayon sa pamamagitan ng Disaster Response Management Division ang pamamahagi ng 4,575 Family Food Packs (FFPs) bilang Resource Augmentation para sa apektadong pamilya sa Metro Manila.


Kahapon, Aug. 31, nakapag-dispatch na rin ang DSWD ng 390 family food packs (FFPs) para sa lungsod ng Maynila.

Mayroon na ring naka-iskedyul na 1,685 FFPs na ipapadala naman sa mga binaha sa Quezon City kabilang ang La Loma, San Francisco del Monte, Santa Mesa Heights Diliman, New Manila at ilang bahagi ng Quezon Avenue.

Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Romel Lopez, aktibong nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa iba pang LGU na mangangailangan ng augmentation ng relief items.

“The DSWD is in coordination with other LGUs for their needed assistance. We are also currently arranging the FFPs and other relief items to be delivered to the 3rd District of Manila and Caloocan City,” DSWD Assistant Secretary for Strategic Communications Romel Lopez.

Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang DSWD ng 1,278 pamilya o 5,015 indibidwal na apektado ng habagat sa NCR.

Samantala, nakatutok na rin ng DSWD sa pangangailangan ng mga biktima ng sunog sa Las PiΓ±as pati na sa Barangay Culiat sa Quezon City.

Tinatarget ng ahensya na magpadala na ng mga food packs sa mga apektadong residente sa Sabado, September 2.

πŸ“·: DSWD

Comments