Calamba City Christmas Tree lighting, CalamBazaar and Carnival 2023, Pormal nang binuksan

 


Pormal nang binuksan sa publiko ang Pasko sa Calamba 2022 noong Lunes November 6, 2023  na may temang “Mapagpalang Pasko sa Tahanang Calambago 2023.”



Sinimulan ang programa sa isang misa at sa pormal na pagbubukas ng programa ay ang salbo ng mga estudyante sa Calamba City School for the Arts kung saan ay ipinakita ang talent sa chorale.


Nakiisa din ang ibat-ibang ahensya at tanggapan ng Pamahalaang Lungsod, Calamba PNP sa pamumuno ni PLTCOL Milany Martirez, Calamba Bureau of Fire Protection, DepEd, mga empleyado ng Calamba LGU, nga barangay official at mga Non Government Organizations (NGO’s).


Sa mensahe ni Roseller H. Rizal, “Ngayong araw, sa muling pagbubukas ng isang tradisyon - ang pagsasama-sama nating pagsaksi sa mga kumikinang na ilaw ng Giant Christmas Tree, masasabi kong tayong lahat, kabilang ang lahat ng naririto ngayon, ay ang mga ilaw na iyan, na nagbibigay liwanag sa kapwa nating mga Calambeño at sa minamahal nating lungsod ng Calamba. Each bulb, regardless of its size, color, or shape shares a huge contribution and represents big role to make it shine and light up”. Pinasalamatan nito ang lahat sa patuloy na suporta mula kay Vice Mayor Angelito Totie Lazaro, Congw. Charisse Anne Hernadez-Alcantara at sa lahat ng kawani ng Calamba City hall.



Dagdag pa niya “Ang malaking hamon ngayon ay ang pagsustena. Nasimulan na natin ang pagbabago at naramdaman na iyan ng marami nating mga kababayan. Nasa mga kamay na nating lahat ngayon ang pagpapatuloy nito at pagsisigurong ang mga ILAW na ito ay hindi na kailanman mapupundi. Huwag na nating hayaang maagaw pa ng ilang mapagsamantala ang tangan nating ilaw at muling abusuhin. Sa halip, sama-sama at pagtulung-tulungan nating mas magningas pa ito hanggang sa tuluyan nang makarating sa pinakamaliit at pinakasulok na bahagi ng ating lungsod ang dala-dala nating liwanag para sa lahat. Nais naming ihatid sa buong Calamba ngayong Pasko nina Vice Mayor Totie at ng Sangguniang Panlungsod kasama syempre si Cong. Cha Hernandez, ang aming Christmas wish na magkaroon ng isang gobyernong kumpleto ang serbisyo sa bawat Calambeño. 

Nagbigay din ng mensahe sila Vice Mayor Angelito Lazaro Jr., at Congw. Charisse Anne Hernandez-Alcantara sa pamamagitan ng kanyang Chief Of Staff na si Mr. Matt Palentinos kung saan nararamdaman ng Calambeño ang Calambagong Pasko sa lahat at ang pagbibigay saya sa bawat Calambeño sa Pasko.


Matapos ang pag-iilaw ng Christmas Tree at makulay na Fireworks display, pormal namang binuksan ang CalamBazaar at Carnival show kung saan maaring kumain sa mga masasarap na pagkain at mag rides ang lahat ng dumalo ang lahat na naglalarawan ng tunay na diwa at mensahe ng Kapaskuhan. 


Tuwang tuwa ang mga naka saksi sa mga makukulay na palamuti at tunnel of lights na instagrammable.


Pormal na ding pinailawan ang Christmas Tree sa Calamba City Plaza, PALISAM, CUBA at sa Mercado de Calamba. (Joel Cabactulan)

Comments