Calambagong Pamahalaan Caravan ni Mayor Ross Rizal , Matagumpay na naisagawa sa Brgy Real





Mainit na sinuportahan at dinagsa ng mga taga barangay Real ang katatapos lamang na   Calambagong Pamahalaan Caravan ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Roseller H. Rizal, Vice Mayor Angelito Lazaro Jr at Sangguniang Panlungsod ngayong araw November 18, 2023. 



Sa mensahe ni Mayor Ross Rizal, “Libre ang lahat ng serbisyong hatid ng Pamahalaang Lungsod ng Calamba tulad ng Mayors Office Public Assistance Center kung saan makakahingi ng tulong pinansiyal, educational, medical at burial, gupit,  manicure/pedicure, libreng mga gamot, pagrerehistro ng mga batang di naparehistro, payong legal, seminar ng pagnenegosyo, bakuna ng mga alagang hayop, bunot ng ngipin,  masahe at mayroon ding job fair, Libreng pananim mula sa tanggapan ng City Agriculture, medical, bunot ng ngipin, at vitamins para sa mga bata at matatanda. 



Ibinalita din ni Mayor Rizal ang pagbigay ng birthday gift ng mga Senior Citizens, PWD’s at Solo parents at ang pagbigay ng pamaskong ayuda sa lahat ng Calambeño. Anya “Walang pipiliing bahay katulad noong nakaraang pasko lahat ay bibigyan. Maliit man o malalaking bahay lahat magkakaroon ng Pamaskong handog ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba.” Wika ni Mayor Rizal. 



Namigay ng wheel chair si Mayor Rizal, mga saklay para sa may mga kapansanan, Jet matic para sa mga sitio ng barangay na walang tubig.  (Joel Cabactulan)
Photo courtesy by: Dugong Bayani - Mayor Ross Rizal

Comments