SSS, nakiisa sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair

  


Nakiisa ang Social Security System (SSS) sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) na ginanap noong Nobyembre 4 at 5, 2023 sa Laguna Sports Complex.  

 

Nagsanib pwersa ang mga kawani ng SSS Calamba, San Pablo at Sta. Cruz sa pangunguna ng SSS Acting Vice President ng Luzon South 1 Division Engr. Edwin S. Igharas upang magkapaghatid ng iba’t ibang online services gaya ng issuance ng Social Security (SS) Number, pagrehistro sa My.SSS Portal at pag-reset ng password, pag-update ng SSS records, disbursement account enrollment, pag-verify ng benefit claims status at mag-comply sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).  

 

“Naging matagumpay ang proyektong ito dahil sa loob ng dalawang araw ay maraming natulungan ang SSS. Patuloy ang aming pakikiisa sa lahat ng proyekto ng pamahalaan para maserbisyohan ang ating mga miyembro, pensyonado at kanilang benepisyaryo,” sabi ni Igharas.  

 

Umabot sa 458 katao ang naserbisyohan ng SSS sa loob ng dalawang araw.    

 

Ang BPSF ay itinuturing na pinakamalaking service caravan sa bansa na inilunsad ng pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Layunin nito ang magbigay ng mga pampublikong serbisyo sa ating mga kababayan sa malalayong komunidad ng bansa. Sa ngayon, 42 ahensya ng gobyerno ang nakiisa sa BPSF dito sa Sta. Cruz, Laguna na pinangunahan ni Governor Ramil L. Hernandez.  

Comments