APELA NG SMNI, BINIBIGYANG-PANSIN NG NTC

 


Inanunsiyo ng National Telecommunications Commission (NTC) na kanilang tinitingnan at pinag-aaralan ang apela ng Sonshine Media Network International (SMNI) hinggil sa pansamantalang suspensyon ng kanilang operasyon.


Pagkatapos maghain ang SMNI ng motion for Bill of Particulars, kung saan hiniling nila sa NTC na tukuyin at ilahad ang mga konkretong nilabag nito sa Certificate of Public Convenience at i-attach ang mga dokumentaryong ebidensya.


Sa pahayag ng SMNI, hindi tinukoy sa order na may petsang December 19, 2023, ang nilabag nila nang ipataw ng NTC ang 30-day suspension sa kanilang operasyon.


Kinilala ng NTC ang paghain ng SMNI ng motion for Bill of Particulars. Ayon sa ahensya, naghain ang SMNI ng mosyon na hinihiling na mag-inhibit ang tatlong commissioners nito na sina NTC Commissioner Ella Blanca Lopez, Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, at Deputy Commissioner Alvin Bernardo sa kaso.


Umapela rin ang SMNI ng dagdag na 15 araw para sagutin kung bakit hindi dapat sila parusahan.


Pahayag ng NTC, sinusuri nila ang mosyon ng SMNI alinsunod sa Rules of Procedure ng ahensya at bilang bahagi rin ng pagbibigay ng tamang proseso.


Tandaan na naglabas ng suspension order ang NTC laban sa operasyon ng SMINI matapos makatanggap ng kopya ng resolusyon mula sa Kamara, kung saan nakasaad ang tatlong paglabag ng SMNI – pagpapakalat ng pekeng impormasyon, paglipat ng shares nang walang Congressional approval, at pag-aalok na hindi bababa sa 30% ng kanilang outstanding stock.


Via Ronda Balita ni Chris Lucas/JR Narit #SMNI #NTC


Comments